• Home
  • Fresh Scoops
  • Star Magic artist Sofia Romero says she plans to join more beauty pageants.

EXCLUSIVE: Sofia Romero considers being 3rd runner-up in Miss Manila 2017 a big achievement

Star Magic artist Sofia Romero says she plans to join more beauty pageants.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/05/2017 10:20 AM
EXCLUSIVE: Sofia Romero considers being 3rd runner-up in Miss Manila 2017 a big achievement
Photo credit to Charisma Vergara Tiangco IG

 

Sa exclusive interview ng PUSH, masayang ibinahagi ng Star Magic artist na si Sofia Romero na masaya pa rin siya sa kinalabasan ng unang sabak niya sa beauty pageant kahit hindi niya naiuwi ang korona sa katatapos lang na Miss Manila 2017.

Sofia finished third runner-up at ayon sa dalaga, okay na yon sa kanya at hindi naman siya disappointed.


“Happy pa rin ako kasi siyempre, as a first timer, malaking achievement na yung mag-third runner-up. Kasi hindi ko nga ini-expect na makakapasok ako sa Top 5,” kuwento sa PUSH ni Sofia.

Eh, ano ang masasabi niya na parang sa last part ng Q and A siya medyo nadehado?

“Actually, nahirapan talaga ako sa question. Siyempre, nasayangan ako, but then, andun na, eh. Saka kinabahan din talaga ako, medyo na-pressure din sa time.

“Kasi usually, sa preliminary when I trained for Q and A, hindi kami sanay na may time limit, na 30 seconds lang dapat yung sagot,” kuwento niya sa amin.

Na-disappoint din ba siya sa kanyang sagot?

“Definitely. I think I could have done better. But then, this serves kasi as a lesson for me. Pero over all naman kasi, like yung paglalakad, projection sa stage, masaya na ako don.

“Talagang ang layu-layo from where I started. Dati talaga hindi ako marunong maglakad na parang pang-pageant, as in, sobrang pangit talaga. Pati mag-pose, di ako marunong,” patuloy niyang kuwento sa PUSH.

Hindi rin daw naiwasan na ma-intimidate siya sa ibang candidates. “Kasi siyempre yung ibang girls sanay na sanay na. Sumali na sila sa ibang pageants or every year sumasali sila sa Miss Manila, eh, ako bago lang talaga.” Sasali pa rin ba siya sa ibang beauty pageant?

“Definitely, kasi ito, parang warm-up lang ito sa akin. So, I’m hoping na I could do national pageant. Siyempre, hindi kami titigil ng handler ko hanggang hindi kami nagkakaroon ng title. Siyempre, we’ll aim for a bigger title, pang-national,” pahayag niSofia.

Eh, paano na ang kanyang showbiz career kung magku-concentrate siya sa beauty pageant?

“We’ll see na lang kung magkakaroon ng offers. Pero for now kasi, baka mas magandang i-prioritize muna yung pageant habang fresh pa yung title ko sa Miss Manila.”

Sa tingin ba niya ay deserving ang iba pang winners ng Miss Manila 2017?

“Oo naman,” sagot agad ng beauty queen. “I think, siyempre we have to trust the judges’ decision na lang na they know naman what’s right. Respetuhin na lang natin yung mga desisyon nila.”

Kasama si Sofia sa isang teleserye ng ABS-CBN na hindi pa rin naipapalabas hanggang ngayon. Meron pa nga siyang kissing scene doon ni Paulo Avelino.

“I’m hoping na maipalabas talaga yon kasi first teleserye ko yon sa ABS-CBN,” pag-asam pa ng bagong beauty queen from Star Magic.