EXCLUSIVE: McCoy de Leon nilinaw ang hipuan isyu sa kanila ni Vice Ganda

‘Tinawanan lang po namin yun nangyari.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/05/2017 03:33 PM
EXCLUSIVE: McCoy de Leon nilinaw ang hipuan isyu sa kanila ni Vice Ganda

 

Pagkatapos ng formal announcement ng CCM Films na kasama sa cast ng Ang Panday ang love team nina Elisse Joson at McCoy de Leon o ang McLisse ay kinorner agad ng PUSH si McCoy para makausap.

Kinuha namin ang reaksyon niya sa isyu ng aksidenteng paglapat ng kamay ni Vice Ganda sa kanyang private part during the Cash-Ya segment sa It’s Showtime recently.


Ayon kay Hashtag McCoy, hindi sinasadya ni Vice ang nangyari.

“Aksidente lang po yon and actually, hindi po tumama talaga (sa kanyang private part). Sa kamera lang talaga mukhang tumama, sa hita lang talaga po,” paglilinaw ng binata.

“At saka tinawanan lang po namin yung nangyari. Ang tingin sa akin ni Ate Vice ay anak na po at ang tingin ko kay Ate Vice ay ate nga po, eh,  hindi nanay. Kaibigan ko nga po siya, nasasabihan ko ng problema… As in wala po talaga,” patuloy ni McCoy.

When asked kung ano naman ang reaksyon niya sa sinabi ng isang netizen na kailangan pang rebyuhin ng MTRCB ang naturang episode, sabi ni McCoy, “Wala naman po dapat ika-worry kasi wala naman po talagang nangyaring hindi maganda.

“Para sa akin, nasa hita lang, sa kamera lang talaga mukhang tumama. Katuwaan lang po yung nangyari don, saka tumatawa lang kami.”

Iginiit din ni McCoy na wala silang naging problema ni Vice pagkatapos ng insidente. Hindi rin daw siya nailang sa kasamahan sa It’s Showtime.

“Wala po kaming problema. Tinatawanan lang po ni Ate Vice yon. Sobrang mahal na mahal ko po si Ate Vice,” diin pa ni McCoy.
“After nga po non, hindi naman kami nag-usap nang seryoso. Tawanan lang kami, biruan lang sa Showtime kahit nung kinabukasan.

"Sobrang na-misunderstood lang po talaga yung nangyari. Siguro, namalik-mata lang yung mga tao kasi yung kamera nasa gilid, pero sa hita lang po talaga tumama,” muli niyang paglilinaw