Amy Perez, mananatiling Kapamilya

BY
ABS-CBN Corporate Communications
test

FRESH SCOOPS

07/05/2017 02:21 PM
Amy Perez, mananatiling Kapamilya

 

Mananatiling Kapamilya si Amy Perez matapos itong pumirma ng eksklusibong kontrata sa ABS-CBN kamakailan.

Patuloy siyang magsisilbing host ng morning show na “Umagang Kay Ganda,” noontime variety show “It’s Showtime,” at ang magazine talk show ng DZMM na “Sakto.”


Dumalo sa pirmahan ng kontrata sina (L-R) Cat Lopez, head of finance for broadcast and news & current affairs; Cory Vidanes, chief operating officer of broadcast, Carlo Katigbak, president and chief executive officer of ABS-CBN; Ging Reyes, head of integrated news and current affairs; at ang manager ni Amy Perez na si Boy Abunda.

Sa kanyang Instagram post, nagpasalamat si Tiyang Amy dahil isa pa rin siyang Kapamilya.