• Home
  • Fresh Scoops
  • Mariel De Leon plans to ask parents Christopher De Leon and Sandy Andolong for acting advice.

2017 Bb. Pilipinas International Mariel De Leon willing makipag kissing scene kay Coco Martin?

Mariel De Leon plans to ask parents Christopher De Leon and Sandy Andolong for acting advice.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/05/2017 10:32 AM
2017 Bb. Pilipinas International Mariel De Leon willing makipag kissing scene kay Coco Martin?

 

Isang big revelation ang ginawa ng isa sa mga pelikulang pasok sa Metro Manila Film Festival ngayong 2017 na Ang Panday na pagbibidahan ni Coco Martin.

Sa naganap na story conference ng MMFF movie na ito, isa-isang ipinakilala ang mga magbibida at mga makakasama ni Coco, kabilang na ang kanyang leading lady na si 2017 Bb. Pilipinas International na si Mariel De Leon.


Sa panayam na ito ng PUSH sa beauty queen, ibinahagi niya ang kanyang nararamdaman nang malaman na siya nag gaganap na leading lady ng Ang Probinsyano star na si Coco.

 

"Actually parang hindi pa na absorb ng brain ko na 'leading lady' talaga ako so I feel so lucky and blessed. It’s so unbelievable talaga," ani pa ni Mariel.

Aminado din ang beauty queen turned actress na kahit na nagmula pa siya sa sikat na showbiz clan ay nakaramdam pa din siya ng kaba ng ialok sa kanya ang proyekto.

"Yes that's why when they called me na-intimidate talaga ako sabi ko 'bakit ako?' Kasi I haven't had any acting experience naman before so I'm very blessed talaga to have this opportunity," sabi pa ni Mariel.

Kuwento pa ni Mariel, bilang paghahanda uumpisahan na din niya na humingi ng advice sa kanyang celebrity parents na sina Christopher De Leon at Sandy Andolong.

"Well of course I want to study my character more and ask my parents for more advice on what I can do. And maybe I'll take acting workshops na din and to work as well with my Tagalog," natatawa niyang pahayag.

Bilang leading lady, bukas din daw si Mariel kung kailanganin ang kissing scene.

 

"Kissing scene is fine but more than that is beyond on my limitations," paliwanag pa ni Mariel.

Samantala, kasabay ng kanyang paghahanda sa upcoming Ang Panday movie ay ang paghahanda din ni Mariel sa kanyang nalalapit na laban bilang kinatawan ng Pilipinas sa Miss International pageant.

Dito sinigurado ni Mariel na hindi niya pababayaan ang kanyang training as Miss Philippines International.

"No, no. It's all about time management lang talaga and scheduling," pagtatapos na pahayag ni Mariel

Sa ngayon looking forward na si Mariel na makatrabaho si Coco na first time pa lang niya nakilala sa nasabing story conference.