Jake Zyrus: ‘Sorry kung may mga ma-disappoint na they won’t hear Charice anymore’

Jake Zyrus admits she had her breasts removed last March.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

07/04/2017 09:17 AM
Jake Zyrus: ‘Sorry kung may mga ma-disappoint na they won’t hear Charice anymore’

 

Sa TV Patrol, nag-apologize si Jake Zyrus, formerly Charice, dahil di na maririnig ng mga tao ang pagbirit ni Charice. “Sorry kung may mga ma-disappoint na they won’t hear Charice anymore.”

Ang dahilan nito ay ang pag-undergo ni Jake sa testosterone hormone therapy. Ikalawang buwan na niya ng pag-take ng male hormone.


Ayon din sa ulat, nag-undergo naman si Jake sa mastectomy o pagtanggal ng kanyang dibdib. Tumigil na din ang kanyang regla at nagkaroon na ng bagong shape ang katawan.

Ayon kay Jake, “gagawin ko ‘to hindi sa dahil sa gusto kong magbago ang boses ko. Gagawin ko ‘to hindi dahil sa gusto kong magbago ang appearance ng katawan ko, or magkabigote or muscle or something. I’m doing this for myself.”

Pumipiyok na rin si Jake dahil sa pinagdadaanang pagbabago ng boses. Biro pa niya, “this is the only time na masaya ako pag pumiyok ako e.” 

Kinokonsider din ni Jake ang sexual reassignment surgery.