• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim De Guzman says her PBB experience has helped her with the Miss Earth Philippines pageant.

Former Pinoy Big Brother housemate Kim De Guzman joins Miss Earth Philippines

Kim De Guzman says her PBB experience has helped her with the Miss Earth Philippines pageant.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/04/2017 09:16 AM
Former Pinoy Big Brother housemate Kim De Guzman joins Miss Earth Philippines

 

Isa ang former Pinoy Big Brother housemate na si Kim De Guzman sa mga kandidata na susubok masungkit ang korona bilang bagong Miss Earth Philippines 2017.

Matatandaan na isa si Kim sa mga Unlimited housemate ni Kuya taong 2012 kung saan si Slater Young ang itinanghal na Big Winner.


 

#mpe2017 #omizu

A post shared by Kim De Guzman (@kimdeguzman_) on

 

Sa panayam na ito sa mga Miss Earth Philippines beauties sa factory visit nila sa Jollicious meat products, ibinahagi ni Kim ang kanyang paghahanda sa pagtahak niya sa kanyang career bilang isang beauty queen.

"Very excited pero kinakahaban, but we are looking forward to who's going to be the next Miss Philippines Earth," saad ni Kim.

Aniya, isa sa paghahanda niya ngayon ang rampahan at Q&A na laging inaabangan sa mga beauty pageant.

"Mas mahigpit na po ang laban, kasi some of the girls lumalabas na yung improvement especially their walk. The way we talk also mas nag-improve lahat," ani pa nito.

Bukod dito, naikuwento ni Kim na paglabas niya ng Big Brother house ay itinuloy na lamang niya ang kanyang pag-aaral na pangarap ng kanyang magulang para sa kanya.

Hindi man nagbunga ang kanyang career bilang artista, nagbigay naman daw ng hindi malilimutan aral ang kanyang Pinoy Big Brother experience na dala dala pa din niya hanggang ngayon.

"Yes definitely. Roller coaster of different emotions kasi sa PBB. Parang dito sa pageant kung papaano mo i-handle ang pressure and how to stay graceful under pressure so talagang nagamit ko yung experience ko as PBB housemate and I'm very happy for that," pahayag ni Kim.

Sa ngayon looking forward na si Kim sa coronation night ng Miss Earth Philippines 2017 ngayong July 15 sa Mall of Asia Arena na mapapanuod din ang late telecast sa ABS-CBN.