• Home
  • Fresh Scoops
  • McCoy de Leon to Marlo Mortel: ‘Marlo, salamat talaga, ikaw yung naging way para mapunta ako sa showbiz’

EXCLUSIVE: McCoy De Leon reveals Marlo Mortel paved the way for him to join showbiz

McCoy de Leon to Marlo Mortel: ‘Marlo, salamat talaga, ikaw yung naging way para mapunta ako sa showbiz’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/04/2017 09:14 AM
EXCLUSIVE: McCoy De Leon reveals Marlo Mortel paved the way for him to join showbiz

 

Dating talent lang si McCoy de Leon sa Be Careful With My Heart bago nabigyan ng chance na maging part ng grupong Hashtags. Sa noontime show na It’s Showtime siya napansin hanggang ipasok sa Pinoy Big Brother kasama si Nikko Natividad.

Mula noon ay lalo nang nakilala si McCoy. Pero aminado ang binata na kung meron siyang isang tao na pinagkakautangan ng loob kung bakit siya napasok sa showbiz ay ito’y walang iba kundi si Marlo Mortel, dati niyang kasama sa Be Careful With My Heart.


Aniya, “Si Marlo po, tuwing nakikita ko talaga siya, sinasabi ko, ‘Marlo, salamat talaga.’ Lalo na nu’ng birthday niya, sabi ko, ‘ikaw yung naging way talaga para mapunta ako sa showbiz, salamat sa yo.’”

Ikinalungkot din ni McCoy na mayroong sakit ang nanay ni Marlo at dasal niya na sana ay gumaling na ito.

“Si Marlo kasi, lagi kong kinukumusta yung parents niya. May sakit ang mommy niya at apektado rin po ako do’n kasi nakakasama ko rin si Tita, yung parents niya, at napakabait po talaga nila, promise. Sana po gumaling na, pray lang po nang pray dapat.”

Patuloy pa ng bida ng Instalado, “Kung puwede ko lang pasalamatan si Marlo at yung iba pang mga nakatrabaho ko araw-araw, gagawin ko po. Hinding-hindi ko po yon makakalimutan.

“Yon din pang palaging tinuturo ng magulang ko na huwag kong kalilimutan yung mga tumulong sa akin una pa lang.”

Aminado si McCoy sa pagiging madasalin. Hindi rin daw niya nalilimutan ang obligasyon niya sa Diyos.

“Pray lang din po talaga at pasasalamat kay Lord. Kasi tuwing Linggo po talaga inaaya ko si mommy. ‘Mommy, simba tayo.’ Ginagawa ko po talaga yon.

“Eto nga, nung nakaraang Linggo nahihiya ako kasi may mga nagpapa-picture kahit nakayuko na ako, nagtatakip na ako ng bimpo, nagsombrero na nga po ako para magtago kasi nga gusto ko talagang magsimba, pero hindi po naiiwasan na may makakakilala pa rin, eh,” kuwento niya.

Kahit gusto ni McCoy na maging positibo ang lahat ng bagay ay hindi pa rin daw naiiwasan na magkaroon siya ng bashers sa social media.

“Bawat move po meron naman talagang mako-comment ang bawat tao. Opinion po nila yon. Ang sa akin naman, iniisip ko lang po yung positive, na baka nga ganyan ako, try kong i-improve pa yung sarili ko. Yon po.

“Positive lang palagi kasi kung ia-absorb mo yung negative at magagalit ka din, wala pong mangyayari, magkakaroon ka lang po ng kasalanan,” katwiran ni McCoy

Catch McCoy in Instalado na finalist sa 2nd ToFarm Film Festival na ipapalabas mula July 12 to 18. The movie is under the direction of Jason Paul Laxamana.