• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Bloody Crayons’ director Topel Lee reveals his ‘special role’ on the set

‘Bloody Crayons’ director Topel Lee reveals his ‘special role’ on the set

‘Bloody Crayons’ director Topel Lee says the long wait for the movie is worth it.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/4/2017 9:15 AM
‘Bloody Crayons’ director Topel Lee reveals his ‘special role’ on the set


 

Anim na taon ang hinintay bago muli gumawa ng isang suspense movie ang Star Cinema at ito ang latest offering na Bloody Crayons na kahit natagalan ang paggawa, sulit naman daw ang kinalabasa n ayon sa director nito na si Topel Lee. Proud nitong sinabi na siya ang tatay ng siyam na kabataan na bida sa pelikula.

"Hindi pa ako isang tatay pero sa set namin ako ang naging tatay nila. Nine kids, one year in the making. Sobrang tagal pero it’s worth it to handle this project. We found the right track to push on the production and happy kami sa kinalabasan ng movie," sabi ni Direk Topel.

Dahil maraming habulan na mga eksena, naibahagi rin ni Direk ang mga injury na natamo ng cast habang nagsu-shooting.

"Si Yves (Flores) ilang beses siya natinik, ilang beses siya nasusugatan sa set. Ilan sa cast accidentally naitutulak na totohanan. May mga scenes din kasi that requires ng pisikalan kaya di rin maiwasan na magkasakitan minsan-minsan," kuwento pa ng director.

Walang multo o monster na mananakot sa Bloody Crayons kayat kakaibang challenge kung paano mapapasigaw at magugulat ang manonood ng pelikula. Ibinahagi ni Direk Topel ang ilan sa kanyang mga ginawa.

"Ito iyung parang suspense movie ko na walang supernatural or entities involved. Mahirap ito kaya malaking tulong ang magagaling na batang ito. I used a lot of equipment na ginagamit sa indie shoots and a lot of cranes to capture lahat ng kailangan and make it look suspense and scary," pagtatapos ni direk.