• Home
  • Fresh Scoops
  • 2017 Bb. Pilipinas International Mariel De Leon gaganap na leading lady ni Coco Martin sa Ang Panday

2017 Bb. Pilipinas International Mariel De Leon gaganap na leading lady ni Coco Martin sa Ang Panday

Nireveal na din ni Coco Martin ang iba pang cast sa kanyang entry sa 2017 MMFF.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/4/2017 8:56 PM
2017 Bb. Pilipinas International Mariel De Leon gaganap na leading lady ni Coco Martin sa Ang Panday


 

Present ang naglalakihang bituin sa naganap na story conference ng upcoming movie na pasok sa 2017 Metro Manila Film Festival na "Ang Panday" na pagbibidahan ng Idolo ng Masa na si Coco Martin.

Kasama ang ilan cast ng "FPJ's Ang Probinsyano" na sila John Pratts, John Medina, Mark Solis, Pj Endrinal, Lester Llansang at Iba pang mga kapulisan ng teleserye.

Hindi din magpapa huli sa pagbibigay ng kilig ang tambalan ng McLisse na sina MacCoy De Leon at Elise Joson.

Bida din ang mga kabataang star ng "Ang Probinsyano" na sila Awra Briguela, Onyok Pineda, Dang Igancio , Ligaya at Paquito pati sina Heart de Jesus and Bingo ng "My Dear Heart."

Kabilang din sa mga magbibida sina Agot Isidro, Jake Cuenca at ang mga veteran stars na sina Jaime Fabregas, Junee Gamboa at Ms. Gloria Romero.

Big revelation naman ang pag sabak sa acting ni 2017 Bb. Pilipinas International na si Mariel De Leon na gaganap leading lady ni Coco.

Ayon kay Coco, na siya ding direktor ng movie, aasahan ang modern at contemporary set up sa storya ng "Ang Panday."