• Home
  • Fresh Scoops
  • Di napigilan ni Vice Ganda na maluha sa pagtukso niya kay Bela at “Z.”

Is there something romantic brewing between Bela Padilla and Zanjoe Marudo?

Di napigilan ni Vice Ganda na maluha sa pagtukso niya kay Bela at “Z.”

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

07/31/2017 03:04 PM
Is there something romantic brewing between Bela Padilla and Zanjoe Marudo?

 

Sa Gandang Gabi Vice, makahulugan ang naging biruan ng guest na si Bela Padilla at host na si Vice Ganda.

Unang sinabi ni Vice na “Ang sakit sakit naman,” na sinagot naman ni Bela na “Valentines naman nasa’yo.”


Nang tanungin ng audience kung sino ang pinag-uusapan nila sinabi ni Vice, “’Wag natin sabihin, baka malaman niyo na Z ang first letter (ng pangalan).”

Hula ng viewers, ang pinaguusapan ng dalawa ay ang aktor na si Zanjoe Marudo, na ang palayaw sa malalapit niyang kaibigan ay “Z.”

Matagal nang open si Vice sa pagkakaroon niya ng crush kay Zanjoe, na umattend ng Valentine’s Day concert niya. Samantalang na-link naman ang aktor kay Bela ng magkatrabaho sila sa “My Dear Heart.”

Naiyak pa si Vice sa biruan at sinabing, “Nahe-hurt ako talaga! He’s my one great love.”

Dinagdag pa nito, “It’s not your fault wala naman ako dapat sisishin dito e. Hindi ko kayo sisisihin pero babalikan ko kayo.”