• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado si Gab Valenciano na nasa ‘getting to know you’ stage sila ng kanyang bagong dine-date.

Is Gab Valenciano ready to fall in love again?

Aminado si Gab Valenciano na nasa ‘getting to know you’ stage sila ng kanyang bagong dine-date.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/31/2017 06:07 PM
Is Gab Valenciano ready to fall in love again?

 

Timeout muna showbiz commitments ang isa sa mga anak ni Mr. Pure Energy Gary V na si Gab Valenciano para pagtuuan ng pansin ang kanyang bagong itinatayong negosyo.

Ito ang naging desisyon ni Gab matapos siyang sumabak sa mga buwis buhay na hamon sa katatapos lang na I Can Do That sa ABS-CBN, kung saan si Wacky Kiray ang itinanghal na grand champion.


Kuwento ni Gab isa din sa naging dahilan ng kanyang pansamantalang pagliban sa showbiz ay upang bigyan pansin din umano ang kanyang kalusugan.

"I was diagnosed with hypoglycemia two years ago and then a year ago I had my self tested again and unfortunately pre-diabetes na siya. It is a little step above from hypoglycemia, basically its lesser from my dad kasi sa kanya is type one diabetes which means yung pancreas niya is not functioning at all. Kung sa kanya ang sugar niya up, down, up, down, ako down lang so as much as possible I need to drink soft drinks, juice with high sugar para hindi siya bumaba," paliwanag ni Gab sa contract signing ng kanyang bagong endorsement na Slim Slide Candy.

Ayon kay Gab, tanggap niya na siya ang nagmana ng sakit na diabetes ng kanyang ama.

"I already accept it, nakakainis nga lang minsan kasi may ginagawa ka bigla na lang magbabago ang timpla ng katawan mo, so I have to grab sweets right away," sabi pa nito.

Dumadaan man ngayon sa hamon sa kanyang kalusugan, nanatiling inspirado si Gab sa tulong ng kanyang buong pamilya at ng kanyang itinuturing na special someone ngayon.

"As of now there is someone and I'm getting to know her and she's absolutely incredible but I wanna keep that first before jumping into something," pag-amin ni Gab.

Matatandaan sinubok din ng tadhana ang buhay pag-ibig ni Gab sa kanyang asawa na si Tricia Centenera, na humantong na sa hiwalayan.

"Honestly I've open myself up I think it's about time and it's been a while. I've open myself up on seeing other people and there is someone I'm getting to know I consider her as my best friend as of the moment and I think I don't wanna rush things," paliwanag muli ni Gab.

Aminado din si Gab na dahil sa mga kinaharap na isyu noon ay pinipili niya ngayon na maging mas pribado pagdating sa kanyang buhay ngayon.

"As much as possible I want to keep it low key as possible. I've learned many things in the past that I wish to correct this year and for the years to come. It's hard to recover from something like what happened to me but I make it a point that I surround myself with the positive people," pagtatapos nito.