• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni also said she gave advice to Alex regarding posting on social media.

Toni Gonzaga reacts on sister Alex Gonzaga’s negative experience at a Korean restaurant

Toni also said she gave advice to Alex regarding posting on social media.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/31/2017 05:27 AM
Toni Gonzaga reacts on sister Alex Gonzaga’s negative experience at a Korean restaurant
Photo credits to celestinegonzaga IG

 

Masayang ibinalita ng Kapamilya TV host at actress na si Toni Gonzaga ang nalalapit na pagtatapos ng shooting ng kanyang upcoming movie with Piolo Pascual na matagal ng inaabangan ng kanilang mga fans.

 

Day 12


A post shared by Neil Arce (@neil_arce) on

 

 

"Yes malapit na, last three or four shooting days na lang ako and exciting kasi akala ko noon matagal-tagal bago kami magkasama muli ni PJ (palayaw ni Piolo Pascual)," ani ni Toni.

Kuwento pa ni Toni, hindi niya akalain na pagsasamahin silang muli ni Piolo para sa isang proyekto. Matatandaan na huling nagsama ang dalawa sa kanilang successful movie noong 2014 na Starting Over Again.

"Actually sabi ni PJ, bago tayo magkasama ulit maghihintay tayo ng ilang taon but this project came at the right time. It's a very good script sa direction ni Bb. Joyce Bernal," sabi pa ni Toni.

Bilang ate naman, nagbigay pahayag din siya sa naging experience ng kanyang kapatid na si Alex Gonzaga kasama ang mga kaibigan nito kamakailan sa isang Korean restaurant.

Read: Alex Gonzaga confronts Korean business woman because of rude behavior 

"Siguro magkaiba ang culture, kaya lang siyempre sanay tayong mga Pilipino na very hospitable tayo, hindi tayo sanay na ginaganon," paliwanag ni Toni.

Pinagsabihan na din daw niya ang kanyang kapatid na maging mas maingat sa susunod lalo na sa mga social media posts nito.

"Ang medyo alanganin diyan is because celebrity ka, ang bilis ma-negative sa side natin, ang bilis natin magmukhang masama without the people knowing the real story behind it," pahayag pa ni Toni.