• Home
  • Fresh Scoops
  • Phoebe Walker says she has a lot of respect for Cristine Reyes.

Phoebe Walker natakot halikan si Ali Khatibi: ‘Respeto din lang kay Cristine (Reyes)’

Phoebe Walker says she has a lot of respect for Cristine Reyes.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/30/2017 08:10 AM
Phoebe Walker natakot halikan si Ali Khatibi: ‘Respeto din lang kay Cristine (Reyes)’

 

Aminado si Phoebe Walker na kinabahan siya nang magkaroon ng kissing scene with Ali Khatibi sa isang sitcom na prinodyus ng Viva for Sari-Sari Channel.

Natakot daw siya sa asawa ni Ali na si Cristine Reyes.


“Natakot kasi ako,” pag-amin niya sa PUSH. “Kasi, alam mo naman… Pero smack lang naman yon.

“Si Cristine kasi, parang she’s too… sa tingin ko ha, parang ang layo na ng narating niya,” dagdag pa niya.

Hangga’t maaari, ayaw rin daw niyang ma-associate kay Ali para maiwasan na rin ang isyu.

“Oo, eh. Kaya nga nung storycon, sabi ko, ‘Ali, nasabi mo ba yung kissing scene. Nasabi mo ba kay misis na ganyan?’

“Sabi niya, ‘Oo. Eh, wala naman yon kay ano. Wala naman yon.’ Pero siyempre, distance, respeto din lang kay Cristine,” pahayag niya.

Muli namang nakatrabaho ni Phoebe ang asawa ni Cristine sa Double Barrel, pero this time, wala raw silang kissing scene dahil si AJ Muhlach naman ang leading man niya sa movie.

“Buti na nga lang wala,” natatawa at pabiro niyang pahayag.

Masaya namang naikuwento ni Phoebe na kinikilig siya nung nagkita sila ni Cristine sa Eddys’ Awards kamakailan lang.

“Beso-beso na kami ngayon. Mga compliments lang to her. O, ang ganda n’yo po,” kwento niya.

“Po” talaga kung i-address niya si Cristine?

“Kasi sobrang idol ko siya sa No Other Woman, parang galing na galing ako sa kanya. Saka mabait naman po yon. At si Ali naman po, hands down ako don, sobrang bait, sobrang sincere.”

May non-showbiz boyfriend ngayon si Phoebe. Pero hindi raw nito panonoorin ang Double Barrel.

“Hindi siya manonood ng movie. Ayaw niya,” kaswal niyang pahayag.

Eh, bakit naman?

“Ano kasi, senswal kasi yung ano, eh. Kahit nga yung Seklusyon, yung scene na sinikmuraan ako ni Dominic (Roque), ayaw niya non.

“Conservative kasi yung family niya. First time din daw niya kasing magka-girlfriend na nagsu-showbiz. Eh, ako rin first time ko din naman tong mga opportunities na dumadating sa akin, so, sabi ko, parang ano lang, dahan-dahan lang.”

Hindi naman daw siya binibigyan ng limitasyon ng kasintahan.

“Hindi naman. Wala naman. Ang request lang niya is yung may itira daw ako for people’s imagination. Wag naman daw po yung…

“Well, agree din naman ako kasi yon din naman yung ano ng parents ko sa akin na okay lang akong magpaseksi pero huwag mong ibigay lahat.

“Ayaw lang niya talaga na may ibang humahawak sa akin. Pero okey lang, naiintindihan naman niya yung trabaho ko, ayaw lang talaga niyang makita yung ganun,” rason pa ni Phoebe.