• Home
  • Fresh Scoops
  • Gaya ng ibang film producers, dumaan si Piolo sa talo at panalo pagdating sa resulta ng mga pelikula sa takilya.

Film production veteran Armand Reyes shares Piolo Pascual's journey as a film producer

Gaya ng ibang film producers, dumaan si Piolo sa talo at panalo pagdating sa resulta ng mga pelikula sa takilya.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/31/2017 02:30 AM
Film production veteran Armand Reyes shares Piolo Pascual's journey as a film producer

 

Sa malaking tagumpay sa box office na inaani ngayon ng pelikulang Kita Kita ng Spring Films, kung saan isa sa producers ang aktor na si Piolo Pascual, naibahagi ng film production veteran na si Armand Reyes ang naging journey ni Piolo sa pagpo-produce ng pelikula.

"Sa aking paglakaalam, Piolo Pascual has produced/co-produced a number of indie films -- Chopsuey, Manila, Kimmy Dora 1, 2 and 3, Silong, Nothern Lights and Kita Kita," panimulang kwento ni Armand.


Gaya ng ibang film producers, dumaan si Piolo sa talo at panalo pagdating sa resulta ng mga pelikula sa takilya pero di ito naging dahilan para tumigil ito sa pagpo produce.

"Marami sa mga ito ay hindi naging maswerte sa takilya. Pero despite failures, heto pa rin siya--like a true businessman--patuloy pa rin sa pagpuprodyus. Kaya naman nitong paglabas ng Kita Kita ay surprise blockbuster ito," kuwento pa ni Armand

Ang sikreto daw ni Piolo, ayon kay Armand, ay ang mahusay nitong pakikisama sa mga naka-trabaho sa movie industry, nasa harap man ng camera o behind the scenes.

"Bukod sa good karma dahil sa pagiging mabuting tao ni Piolo, hindi siya sakim sa pag-share ng kanyang blessings sa mga kasamahan sa industriya. Recently nga, walang second thought na umoo siya to do a cameo for a dear friend in Deadma Walking," dagdag pa ng film veteran.

Mahaba na ang itinakbo ng pakikipag trabaho ni Armand kay Piolo kaya napa-throwback siya ng kanilang pagkakakilala sa isa't isa.

"I met PJ early 1990s through a common friend, si Edgar Mangahas, na dating handler/manger ni Piolo nang ka sisimula pa niya sa Star Circle Batch 1 or 2 yata. Although we learned much later na taga-That's Entertainment pala siya in late 1980s," kwento pa ni Armand tungkol sa aktor.

At inaasahan ni Armand na sana ay may mga kagaya ni Piolo na mag-produce ng pelikula para sa mas masiglang showbiz industry.

"Nagka-tsikahan na kami ni Piolo noon pa hanggang bumalik siyang Canada at nagbalik-Pinas, Star Cinema. May ups and downs sa career, pero PJ held on at nag-pay off naman ang kanyang patience. Sana, present showbiz aspirants can find insights from Piolo's anecdotes," pagtatapos ni Armand.