• Home
  • Fresh Scoops
  • Bukod sa role na ginampanan ni Carla, mas challenging sa kanya kung paano i-introduce at ipa-explore sa mga millenials ang mundo ng teatro.

Carla Guevara-Laforteza gaganap bilang Lady of the Lake sa “Monty Phyton’s SPAMalot”

Bukod sa role na ginampanan ni Carla, mas challenging sa kanya kung paano i-introduce at ipa-explore sa mga millenials ang mundo ng teatro.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/31/2017 05:15 AM
Carla Guevara-Laforteza gaganap bilang Lady of the Lake sa “Monty Phyton’s SPAMalot”

 

Bida bilang isa sa mga gaganap na Lady of the Lake ang International theater actress na si Carla Guevara-Laforteza para sa unang beses na pagtatanghal sa Pilipinas ng Tony Award Winning Musical na Monty Phtyon's SPAMalot.

 

 

Nakilala si Carla sa kanyang pag ganap sa iba't ibang karakter sa teatro kung kaya, excited siya para sa panibagong challenge na ito sa kanyang career bilang isang aktres.

"For almost five years I've always been cast in a character in a crazy role kaya medyo na master ko na ng kaunti but again its also challenge and I'm happy kasi even the material of the show palang, rolling on the floor na talaga ang i-eexpect mo and I'm so happy that the Pinoy audience get the British humor and you really need that insane actors in able to pull of this kind of show," kwento ng aktres.

Dagdag pa ni Carla hindi nalalayo ang sa original na script ng Monty Python's SPAMalot sa performance na mapapanuod na pagtatanghal na dito sa Pilipinas.

"We are not allowed to divert from the script, in this particular script we have to stick with original script pero may mga names na we can update to modern setting."

Bukod sa roles na ginampanan ni Carla sa kanyang mga naging performance ay mas challenging daw sa kanya kung paano i-introduce at ipa-explore sa mga millenials ang mundo ng teatro.

"Maraming millenials pa din ngayon ang mahilig sa musical like Hamilton, parang it's rapping. Kahit yung Rak of Aegis na nagawa noon parang they make new material na ma-appreciate at maiintindihan ng mga millennials," pahayag pa ni Carla.

Mapapanuod ang Monty Phyton's SPAMalot sa Carlos Romulo auditorium ng RCBC Tower Makati City sa ilang weekend ng August.