• Home
  • Fresh Scoops
  • John Wayne Sace swears he is no longer using drugs and wants to return to acting.

John Wayne Sace asks for another chance in showbiz

John Wayne Sace swears he is no longer using drugs and wants to return to acting.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

07/03/2017 01:35 PM
John Wayne Sace asks for another chance in showbiz

Sa Rated K, ikinwento ng dating artista na si John Wayne Sace kung bakit siya nalihis ng landas. “Mga 2008, mga kasiyahan,mga kaibigan. Hanggang sa hindi mo namamalayan parang nawawala na po lahat sayo, kahit family mo,” ani John Wayne kay Korina Sanchez.

Ayon sa dating award-winning child star at miyembro ng dance group na Anime, nagsisisi diumano siya na tumikim siya ng droga. “ Opo, kung maibabalik lang ba, bakit mo susubukan yun?” pahayag pa nito.

Ayon sa ulat, matapos mapasama sa listahan ng pulisya o tokhang at maospital, ay nagpahinga si John sa probinsiya kung saan sinimulan niya ang kanyang self-rehabilitation. Tumutulong si John sa komunidad at nagkukwento ng masamang epekto ng droga sa tao.


READ: John Wayne Sace now stable after being shot by unknown men

Nagsimula ang pagbabagong ito ni John dahil na rin sa anak niyang babae nasinabi sa kanya na, “Daddy, please naman ‘wag na ikaw bad.” Dagdag ni John, “Dun sa sinabi niyang yun na-feel ko na ang pagbabago, magsisimula rin sa’yo e, sa sarili mo.”

Ngayon, inaayos na ni John Wayne ang relasyon sa nanay niya at gusto din niyang makasama ang ibang kapatid na nasa Amerika.

Bukas din si John sa pagbabalik sa showbiz. “Kung bibigyan po ako uli ng pintuan para po sa showbiz bakit naman po hindi.”

Sinabi rin niya na malinis na siya at hindi na siya gumagamit ng drugs.