• Home
  • Fresh Scoops
  • Celebrity Poll: Girl cast of “Bloody Crayons” share what their favorite colors are

Celebrity Poll: Girl cast of “Bloody Crayons” share what their favorite colors are

Maris, Janella, Jane and Sofia explain why they like their favorite color.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/3/2017 1:45 AM
Celebrity Poll: Girl cast of “Bloody Crayons” share what their favorite colors are


 

Dahil matagal nagkasama sama ang siyam na young stars na bida sa pelikulang Bloody Crayons ng Star Cinema, kita sa kanilang interviews na close na sila at mas kilala na ang isa’t isa.

At dahil may kinalaman sa "colors" ang laro sa pelikula kung saan naka base ang suspense at katatakutan nito, inalam natin kung ano nga ba ang paboritong kulay nina Maris Racal, Janella Salvador, Jane Oineza at Sofia Andres.

Unang sagot si Maris ay asul ang kanyang favorite dahil na rin sa hilig niya sa dagat.

"Blue kasi it’s the color of the ocean" sagot ni Maris.

Si Janella Salvador naman, girl na girl ang naging sagot at napiling kulay.

"Pink! It’s so common kasi, it’s very feminine," sabi ng teen star.

Si Jane Oineza naman na parte ng original na cast ng Bloody Crayons, red ang napili niyang favorite color. "Red kasi it’s a bold color and hindi siya girly at hindi rin siya boyish!" sabi ni Jane.

Itim ang paboritong kulay ni Sofia Andres na may kinalaman sa kanyang pagbibihis.

"Ako black kasi basic lang siya at madali bagayan," sabi pa ni Sofia.

Ipapalabas ang Bloody Crayons sa July 12.