• Home
  • Fresh Scoops
  • Kakai Bautista talks about BFF Maja Salvador: ‘Napaka-positive na tao niyan!’

Kakai Bautista talks about BFF Maja Salvador: ‘Napaka-positive na tao niyan!’

Kakai Bautista shares the love advice she and Maja Salvador share with each other.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

7/23/2017 9:42 AM
Kakai Bautista talks about BFF Maja Salvador: ‘Napaka-positive na tao niyan!’


 

Before she starts preparing for her upcoming comedy show Live, Laugh, Love which happens next month, Kakai Bautista shared the story behind her sexy beach photos that were posted by her BFF Maja Salvador on social media. “Kasi nung time na yun nasa Batangas kami parang quick getaway lang. Tapos ayoko na sana kasi nagbaon na ako ng sarili kong one piece pero diyosko pinilit ako. Sabi niya, ‘Besh ito hindi yan, huwag yan panget. Ito ang suotin mo.’ Siyempre akala ko naman kami kami lang naman ang nandun tapos ako naman bilang uto-uto, kasama mo best friend mo so pose pose ka lang, ganyan. Diyosko pinost yung nakadapa ako,” she recalled.

The talented comedienne said the photos garnered mixed reactions from her followers online. “Ay marami na naman siyempre nainggit. Wow confident! (laughs) Nainggit sila sa mga taba ko lalo na yung mga payat. Sana may taba naman sila, ganun. Siyempre hindi mo naman maiiwasan na mag-react sila na umay na umay sila. Eh di huwag ka tumingin. Ganun lang naman yun eh. Kung nauumay ka, napapangitan ka, huwag ka ng tumingin. Binibigyan mo ng problema ang sarili mo di ba? Na-i-stress ka pa sa ganda ko, na-i-stress ka pa sa mga taba ko. Iwasan mo na lang kasi yung social media account ko diyosko naman di ba?” she explained.

Her friendship with Maja is an important blessing for Kakai because of how supportive her friend is on and off cam. “Si Maja napaka-positive na tao niyan. Yung pagka kunyari sobrang down mo, kahit siya down na siya, hindi talaga siya nagsasalita ng (negative), sasabihin niya, ‘Hindi, hindi tayo gi-give up, kaya natin ito, kaya mo yan.’ Pag wala ka nang pupuntahan na iba na parang lahat nakausap mo na, lahat lahat nakapag-confide ka na, lahat hinanapan mo na ng comfort, parang one of the last persons I would love to talk to kapag sobrang down or talagang wala na talaga yung utak mo nasa ibang planeta na. Si Maja kasi sobrang positive na tao. Wala kang maririnig na hindi maganda. Nasa showbiz world ka laging may chismis pero siya tatawa lang yan sayo. Ngingitian ka lang niyan pag meron kang nasabing something. Walang masamang tinapay kahit kanino,” she said.

When it comes to each other’s love lives, Kakai said she and Maja do not meddle in each other’s relationships. “Dapat ako yata mag-advise sa kanya (laughs). Parehas lang naman kami, basta kami pag may mga ganap kami sa buhay katulad niyang mga sa buhay pag-ibig, hindi kami nakikialam sa isa’t isa. Sige, magpaka-syongers syongers ka diyan, go lang susuportahan kita. Buhay mo yan eh di ba? Ginagawa mo yan nagpara-paraan ka. Kasi ikaw yan, hindi kita mapipigilan. Pero kapag umiyak ka na, andito lang ako. Ganun lang kami,” she said.

After all the issues surrounding her friendship with Ahron Villena, Kakai said Maja has already issued an ultimatum in case she goes down the same path. “Si Maj hindi naman siya yung mahilig magalit. Basta pag sinabi mo, ‘Besh kaya ko ito, kumalma ka okay?’ Gaganun lang ako sa kanya. Basta sabi niya sa akin, ‘Kapag binalikan mo pa yung tao na yan friendship over tayo! (laughs) Kumbaga yung nagpaka-syonga ka na naman diyan. Siyempre hindi ko naman itinatago sa buong mundo na I had feelings for him. Diyosko tapos na yun so natuto na ako dun. Kasi siguro hindi mo naman maiiwasan yung mga kaibigan mo parang maging concerned sayo kasi di ba? So yun yung lagi niyang panakot sa akin. Mas mahal ko naman yung mga kaibigan ko. Mas mahal ko din yung sarili ko,” she added.

Watch Kakai in Live, Laugh, Love at Resorts World Manila from August 12 to 13 along with Jon Santos and the Isprikitik Improv. Directed by Joaquin Valdes.