• Home
  • Fresh Scoops
  • Vilma Santos to Luis and Jessy bashers: ‘Bayaan naman nating maging maligaya ang mga tao’

Vilma Santos to Luis and Jessy bashers: ‘Bayaan naman nating maging maligaya ang mga tao’

Vilma Santos wishes bashers will leave son Luis Mnzano and his girlfriend Jessy Mendiola alone.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

7/22/2017 11:24 AM
Vilma Santos to Luis and Jessy bashers: ‘Bayaan naman nating maging maligaya ang mga tao’


 

Sa Bandila, nakiusap si Star for All Seasons Vilma Santos na tigilan ng mga bashers ang anak na si Luis Manzano at ang girlfriend nito na si Jessy Mendiola.

Aniya, “Nalulungkot lang ako kasi there are some people na bina-bash, parang ayaw, parang negative. Pero bayaan naman nating maging maligaya ang mga tao.”

Nang tanungin kung ikakasal na ang magkasintahan, aniya, “Wala naman. Hindi pa namin pinag-uusapan. Basta ang alam ko lang masaya sila.”

Game din si Ate Vi na gumawa ng pelikula with Judy Ann Santos. “Hindi pa kami nagkatrabaho ni Judy Ann. And since kung bihira na akong gumawa ng pelikula. Kung may i-offer ako kahit once in two years, yung may i-offer ako na something different and with Judy Ann, it’s going to be different.”