Direk Soxie Topacio 1 taong nakipaglaban sa lung cancer

Malaking dagok sa showbiz ang pagpanaw ng batikang direktor.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/22/2017 5:33 PM
Direk Soxie Topacio 1 taong nakipaglaban sa lung cancer


 

Malungkot ang showbiz industry sa pagpanaw ng actor-director na si Soxie Topacio. Si Direk Soxie ay binawian ng buhay nu’ng Biyernes ng gabi, 8:55 p.m.

Lung cancer ang kanyang ikinamatay at ayon sa kanyang pamilya, halos isang taon siyang nakipaglaban sa lung cancer.

“Our beloved Tito, friend and mentor Direk Soxie Topacio passed away last night at 8:55 pm sorrounded by his closest friends and family.

“Tito Soxie had been battling with lung cancer for almost a year but now at peace in the arms of our Lord,” bahagi ng post ng pamilya ni Direk Soxie sa social media.

Nagpasalamat din sila sa nag-offer ng dasal at sa pakikipagdalamhati ng mga kaibigan sa showbiz.

We would like to take this opportunity to give our sincerest thanks to everyone who helped Tito Soxie in his battle.

Your thoughts & prayers helped Tito Soxie to stay strong until the end.”

In-inform din nila ang publikot at ang mga kaibigan ng direktor kung saan ito ibuburol.

“The wake will be held at St.Peter's Chapel, Quezon Ave. from 9 tonight.

“Thank you for all the love and support our family is receiving at this difficult time..”

Si Direk Soxie ay unang nakilala bilang komedyante sa sitcom na John N Marsha.

Isa sa hindi malilimutang obra niya bilang direktor ay critically-acclaimed movie na Ded Na Si Lolo na naging entry ng Pilipinas sa Best Foreign Language Film ng 82nd Academy Awards in 2010.

Rest in peace, Direk Soxie.