• Home
  • Fresh Scoops
  • Vilma Santos at Judy Ann Santos, magsasama sa isang pelikula?

Vilma Santos at Judy Ann Santos, magsasama sa isang pelikula?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/21/2017 6:04 PM
Vilma Santos at Judy Ann Santos, magsasama sa isang pelikula?


 

Present sa katatapos lang na 40th Gawad Urian Awards ang “Star for All Seasons” na si Vilma Santos para tanggapin ang kanyang parangal bilang Natatanging Gawad Urian.

Sa panayam sa kanya, naibahagi ng beteranong aktres ang kanyang mga plano sa showbiz sa kabila ng kanyang pagiging abala ngayon bilang kongresista sa kanyang bayan sa Lipa, Batangas.

"Wala muna (showbiz commitments). Kasi I'm trying to learn muna ‘yung mga dapat gawin as a legislator because hindi ito joke, nag le-legislate ka na ng mga batas at ayaw ko naman maging clueless so binibigyan ko talaga ng time ito para mag-aral."

Kuwento pa ni Vilma, gaya ng kanyang mga taga-suporta, excited din daw siya na muling magbalik pelikula, "Ako din (excited) but I don't know when. Pero excited din ako to have another movie sa film fest."

Samanatala, nagbigay pahayag din ang veteran actress sa naging hiling ng Kapamilya host at aktres na si Judy Ann Santos na magkasama sila para sa isang proyekto.

READ: Judy Ann Santos looks forward to working with Vilma Santos

"Ako din, I'm looking forward. Hindi pa kami nagkatrabaho ni Judy Ann and since kung bihira na akong gumawa ng pelikula, ang gusto ko ‘yung once in two years. Gusto ko I can offer something different and with Judy Ann, it is going to be different kasi hindi pa kami nagkasama sa pelikula," pagtatapos na pahayag niya.