• Home
  • Fresh Scoops
  • LOOK: Is this Ahron Villena’s message to Kakai Bautista’s “revelation” about him?

LOOK: Is this Ahron Villena’s message to Kakai Bautista’s “revelation” about him?

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

7/21/2017 8:25 PM
LOOK: Is this Ahron Villena’s message to Kakai Bautista’s “revelation” about him?


 

Tila hindi naging maganda ang dating ng sinabi ni Kakai Bautista sa press tungkol sa dating best friend niyang si Ahron Villena.

“Sinagot ko na yan dati kasi alam ko naman yun and accepted ko naman kung ano man siya,” ani Kakai sa isang interview.

Read: Did Kakai Bautista just ‘out’ Ahron Villena? ‘Tanggap ko naman kung ano siya’

Sa isang Twitter post naman, bagama't hindi binanggit ng aktor ang pangalan ng komedyante, tila'y nagbigay siya ng pasaring tungkol sa isyu.

"Tanggap mo kung ano ako? Saan galing 'yun? Bakit, ano ba ang alam mo sa pagkatao ko? Naging tayo ba? Ako, ang alam ko, NEVER naging tayo. Nanahimik ako kasi marunong akong rumespeto sa babae,” sinabi ni Ahron sa Twitter kasama ang maikling mensaheng, “There are always two sides to every story.”