• Home
  • Fresh Scoops
  • Ogie Alcasid reacts to suggestions that son Nate enter showbiz.

Ogie Alcasid may payo para sa mga gusto lumigaw sa anak na si Leila

Ogie Alcasid reacts to suggestions that son Nate enter showbiz.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/20/2017 09:40 AM
Ogie Alcasid may payo para sa mga gusto lumigaw sa anak na si Leila
Photo credit @leilaalcasid IG

 

Buena manong music album mula sa Star Music ang handog ngayon ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid kasama nag ABS-CBN PhilHarmonic Orchestra.

"Incidentally, also next year is my 30th anniversary so I will be having a concert with the ABS-CBN Philharmonic next year in a very big venue. This year naman, I am turning 50 so I also have a concert at the KIA Theater on August 25."


READ:Ogie Alcasid at Regine Velasquez concert, magtatapatan ngayong 2017

Naitanong ng PUSH kay Ogie ang kanyang reaksyon sa mga nagasasabi na sana pasukin ng bunsong anak niyang si Nate ang showbiz.

"Hindi ko naman alam iyan. Lagi silang nagtatanong. He's only five years old. Tignan natin. May mga nagtatanong naman," sabi pa ni Ogie.

Bukod dito, naikuwento rin ni Ogie ang kanyang Instagram video kung saan sumakay sila ng kanyang mga anak sa tricycle. Kuwento ni Ogie, ipinasyal daw nila ang kaibigan ni Leila na gusto maka-experience sumakay sa tricycle.

 

 

😂😂😂mali ang pagsakay Ko sabi ni wifey @reginevalcasid #tricycleday #yay

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

"Talagang gusto nya mag-tricycle. Sabi ko, ‘Tricycle?(Laughs)’ Ayun naghanap kami tapos binaba kami sa sakayan. Ayun hanggang pauwi nag-tricycle," ani ni Ogie.

Agaw atensyon din sa social media ang kanyang panangay na anak na si Leila. Dahil dito, hindi din maiwasan na may ilan na ang nagpaparamdam na ligawan nag kanyang anak. Pero request ni Ogie, sa bahay nila ito gusto makilala.

 

 

Thanks for having me @benchtm 💘 #BenchEveryday

A post shared by Leila Alcasid (@leilalcasid) on

"Naku merong mga nanliligaw. Wala namang problema doon but I would appreciate siguro if they come to the house, get to know the family. Wala namang problema iyon. Dumaan naman tayong lahat doon."

Sa ngayon abala na si Ogie para sa launching ng kanyang Nakakalokal music album.