Jake Cuenca, ang bagong Lizardo

Jake Cuenca is excited to work with Coco Martin again for ‘Ang Panday’.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/20/2017 10:16 AM
Jake Cuenca, ang bagong Lizardo


 

Bida sa 13th Cinemalaya entry na Requited ang kapamilya actor na si Jake Cuenca. Isa din si Jake sa tumatayong producer ng pelikula.

"As a producer, siyempre iniisip mo yung returns e, iniisip mo kung kikita ka. But with this particular project, I'm not really thinking of any return, I just really want to make a movie at matuloy ang project because I'm really believing in this."

Bukod sa Cinemalaya entry, bibida din si Jake sa 2017 Metro Manila Film Festival entry na Ang Panday kung saan gagampanan niya ang iconic role bilang si Lizardo.

"Nagpapasalamat nalang ako kasi hindi ako nagpagupit before I did this movie, but I'm really excited with Ang Panday. I'm excited working with Coco at sa iba pang malalaking artista and original niyan si Max Alvarado and kuya Ipe (Philip Salvador)."

Dahil ikatlo na si Jake na gaganap bilang Lizardo, sinisgurado daw niya na bibigyan niya ito ng sariling timpla.

"Iibahin ko talaga, and I things on my own way like I said when I do kontrabida I really do it well. And pag pinagsasama kami ni Coco, it's magical, sumasabog. And it’s about time to do it in a movie tapos Ang Panday pa," sabi pa ni Jake.

Wala din daw issue kay Jake kung nalilinya na siya sa mga kontrabida roles. Ang importante kay Jake ay ang nababalanse pa din niya ang maging bida para sa ibang proyekto.

"I've always embraced being a kontrabida, what I love doing is surprising people. I become a kontrabida then I become lead then kontrabida ulit. Parang once you love me I will make you will hate me. Once you hate me, I will make you love me."

Araw-araw din napapanuod si Jake bilang Carlos Dela Vega sa noontime show na Ikaw Lang Ang Iibigin bago mag It's Showtime.