• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Theodore Boborol lists his favorite scenes with John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo

Director Theodore Boborol reveals Sarah Geronimo’s scene in their new movie made people on the set cry

Director Theodore Boborol lists his favorite scenes with John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/20/2017 10:46 AM
Director Theodore Boborol reveals Sarah Geronimo’s scene in their new movie made people on the set cry

 

Maraming nai-reveal ang Finally Found Someone director na si Theodore Boborol tungkol sa kanyang lead actors na sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Nagbigay ng teaser si direk Ted sa isang eksena na pinuri ng staff habang binubuo nila ang pelikula sa editing.

"Pagdating ko kagabi sa editing, they were raving about that scene. Ang galing ni Sarah, may mga hugot sa bawat lines. Abangan na lang nila kung ano iyung eksenang sinasabi ko. Parang in fact nung nag-shoot kami for that scene, yung assistant ni Sarah umiiyak!" sabi ni Direk Ted.


Nilinaw din ni Direk na hindi totoo na nag-reshoot sila ng ilan sa mga eksena kaya napatagal ang pagpapalabas ng pelikula.

"It’s not true na nag-reshoot kami dahil nagka-leak at na-reveal agad yung story. Hindi yun totoo. If ever na naging mahaba ang shooting, dahil mas gusto namin mapaganda ang material. Gusto namin kasi comeback movie ito ng tandem ni Sarah and John Lloyd. Gusto namin sila ma-entertain and to see again the tandem na na miss nila," kuwento pa ng filmmaker.

Proven na nga naman sa box office ang Sarah and John Lloyd tandem na napanood sa tatlong hit movies, kaya’t malaking hamon sa kanila na gumawa ng bagong story na magugustuhan ng followers ng dalawa.

"Ang challenge is the story… that’s our challenge we have to provide something new. We have to provide something na hindi sila and we have to provide something familiar," sabi pa ni Direk Ted.

Apat na taon nang huling mapanood ang Sarah-Lloydie tandem. Para kay direk Ted, mas mahusay na ngayon si Sarah lalo na sa mga eksenang hugot at kailangan magpakita ng emotions.

"Ang pinaka-main difference na makikita niyo kay Sarah dito during the past four years na ipinalabas ang last movie nila ni John Lloyd, nag-grow siya as an individual dahil nagkaroon siya ng maraming life experiences. Kaya nang nagkaroon kami ng scenes na they have to control their emotions—yung mga eksenang pivotal sa story—mas may nahuhugot na siyang personal experience mas malalim na acting niya," pagtatapos ni direk.