WATCH: Sarah Geronimo talks about marriage

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

07/02/2017 10:56 AM
WATCH: Sarah Geronimo talks about marriage

 

Madaming “popsters” ang natuwa nang magbigay ng short talk o speech si Sarah Geronimo tungkol sa buhay may asawa. Kinilig ang mga tao sa kanyang event dahil baka naghahanda na siyang magpakasal. Sa video na lumabas sa social media, tinanong niya at sinabing itaas ang kamay ng mga single, ganoon din naman sa may mga kasal na.

"Kasama sa pagpapakasal ang may problema,” ani Sarah at sinabing nakikinig siya kay Bo Sanchez. Inihambing niya ang buhay may asawa sa isang magsasaka at kalabaw. Kahit daw tumatae ang kalabaw, nililinis ito ng magsasaka at pinagpapasensiyahan dahil alam niyang ito ang bumubuhay sa kanya ganoon din daw pag may asawa.


 

Matagal nang magkarelasyon sina Sarah at Matteo Guidicelli ngunit hindi pa sila nasasabi kung may balak na silang magpapakasal.