• Home
  • Fresh Scoops
  • Pia Wurtzbach admits she is also looking forward to the annual MMFF parade.

Pia Wurtzbach excited about joining 2017 Metro Manila Film Festival

Pia Wurtzbach admits she is also looking forward to the annual MMFF parade.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/02/2017 10:59 AM
Pia Wurtzbach excited about joining 2017 Metro Manila Film Festival

 

Isa ang pelikulang The Revengers sa mga pasok na entries para sa 2017 Metro Manila Film Festival. Bukod kay Vice Ganda at Daniel Padilla na bibida sa pelikula, pinaka-excited si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na bibida rin dito na una niyang pelikula matapos manalo ng international title.

"I’m so excited about that. This is going to be the first time I’m acting in a movie after many years but Vice assured me that he will take care of me and guide me so I think I’m in safe hands," kuwento ng beauty queen.


Isa sa nilu-look forward ni Pia sa pagkakasali ng kanilang pelikula sa 2017 Metro Manila Film Festival ay ang traditional na float parade na iikot sa Roxas Boulevard hanggang Quirino Grandstand para maka-bonding ang kanilang fans. First time din ito mararanasan ni Pia kaya’t isang malutong na one-liner ang kanyang sagot.

"Hindi ako mapapagod sa pagkaway!" all smiles na sabi ni Pia.

Hindi pa sumasalang sa shooting si Pia para sa The Revengers na ididirek ni Binibining Joyce Bernal dahil inaayos pa sa ngayon ang ilang detalye ng kanilang inaabangang proyekto.

"As of now, we’re still working on the details of the characters but definitely it’s a superhero movie," kuwento pa ni Pia.

Ipapalabas ang The Revengers sa December 25 kasabay ng pito pang mga pelikulang official entries ng MMFF.