• Home
  • Fresh Scoops
  • Harlene says the QC councilor really wants to change for the better.

Harlene Bautista gives an update on brother Hero Bautista’s drug rehabilitation

Harlene says the QC councilor really wants to change for the better.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/03/2017 02:48 AM
Harlene Bautista gives an update on brother Hero Bautista’s drug rehabilitation

 

Makakalabas na ng rehab si Quezon City Councilor Hero Bautista. Ito ang ibinalita ng kanyang kapatid na si Harlene Bautista sa ginanap na birthday treat ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa ilang entertainment press (July, August and September birthday celebrators) sa Salu Restaurant na pag-aari nila ng asawang si Romnick Sarmenta.

“Mga second week of July makakalabas na siya. Kasi ngayon, uma-attend lang siya ng session (sa Konseho ng QC) ng once a week, pero bumabalik din siya do’n (rehab). Pero mga July, ano na siya, lalabas na siya,” pahayag ni Harlene.


Patuloy pa niya, “Nagre-rehab siya. Siguro mga 10 months na siya. Actually, mga one year talaga yung program, pero dahil maganda yung performance niya, yung improvement kaya nabigyan siya ng maagang privilege (na makalabas).”

Wala bang resistance mula kay Hero nu’ng ipinasok na nila ito sa rehab?

“Ay wala. Actually yon ang maganda do’n na yon nga, hindi siya nag-resist. Talagang gusto rin nyang magbago,” sagot ni Harlene.

Dahil sa nangyari kay Hero, lalo raw nilang napatunayan na matindi talaga ang epekto ng illegal na droga sa tao.

“Naging malinaw sa amin, hindi lang yung tungkol kay Kuya Hero ha, in general about drugs. Naging malinaw sa amin na salot talaga ang drugs. Na talagang nambibiktima siya. Naninira talaga siya ng buhay at walang pinipili talaga.

“Kaya mahirap mag-judge o basta magbitaw ng salita kung may makita o madinig kayo na ‘Ay, adik yan,’ dahil mahirap, hindi natin alam ang pinagdadaanan talaga nung mismong tao at nu’ng pamilya.” Na-detect ba nila noon na gumagamit ng drugs si Hero?

“Actually, wala kaming napansin. Kasi siya yung tipo na kung gusto niyang magpapayat for a role… kasi nagti-theater siya, eh. So, kung gusto niyang pumayat for a role, nagpapayat siya.

“Kung gusto niyang magmukhang lolo, ermitanyo, nagpapahaba siya ng buhok. Kahit noong bata siya ganu’n na talaga siya. So, wala kaming nakita na parang pagsususpetsahan namin. So, wala talaga,” kuwento pa niya.

Buo rin daw ang ipinapakita nilang suporta sa kapamilya lalo na sa pinagdadaanan nito ngayon.

“Kami as a family, ang magagawa lang namin isto support him through prayers, moral support, di ba? Ipa-feel sa kanya na may nagmamahal sa kanya, na nandito kami to support him,” pagtatapos ni Harlene sa PUSH.