• Home
  • Fresh Scoops
  • Ronnie may rebelasyon tungkol sa totoong ‘relasyon’ nila ni Loisa.

EXCLUSIVE: Ronnie Alonte, ‘more than friends’ nga ba ang relasyon kay Loisa Andalio?

Ronnie may rebelasyon tungkol sa totoong ‘relasyon’ nila ni Loisa.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/03/2017 02:40 AM
EXCLUSIVE: Ronnie Alonte, ‘more than friends’ nga ba ang relasyon kay Loisa Andalio?

 

Aware si Ronnie Alonte, isa sa mga bida sa pinakabagong pelikula ng Star Cinema na Bloody Crayons, na maraming bumabatikos sa acting niya noon sa dalawang naunang pelikula – Seklusyon at Vince & Kath & James – na parehong ipinalabas sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Ayon sa binata, naging challenge sa kanya ang mga criticism natatanggap noon para gawing maayos ang kanyang trabaho.


“Ginawa ko na lang po yung best ko at ipinakita sa kanila na mali yung inaakala nila dahil hindi naman talaga nila maiintindihan at ng mga bashers na baguhan lang talaga ako noon. Baguhan po ako noon, eh, at wala akong kaalam-alam talaga.

“Saka hindi ko rin po kailangang mag-explain sa kanila para patunayan na, kailangan pa ng praktis.

“Dito po (Bloody Crayons), ginawa ko yung best ko at natuwa ako dahil lahat ng effort ko ang ganda ng kinalabasan,” paliwanag ni Ronnie.

Nakatulong din daw para maging confident siya sa acting ang A Love To Last kung saan ginagampanan niya ang role ni Tupe na manliligaw ni Julia Barretto.

“Naging training ko rin siya dahil MWF akong nagti-taping.”

Eh, kumusta naman ang kanyang love life?

“Wala po. Wala po talaga, eh,” pag-amin ng binata.

“Pero masaya naman po ako,” hirit pa niya.

Kumusta sila ni Loisa?

“Okay naman po kami ni Loisa. Magkaibigan po kami. Close po sila ng kapatid kong babae.

“Lahat naman po kaibigan ko, si Sue (Ramirez), Julie Barretto. Mabait akong tao,” sabay tawa niya nang malakas.

Nililigawan ba niya si Loisa?

“Hindi. Siguro kasi po, gusto rin ng fans na maging magka-love team kami, may fan base din kaming dalawa kaya siguro nagkakaroon din kami ng isyu,” depensa niya.

Patuloy pa ni Ronnie, “Sanay naman po ako sa ganyan kasi si Julia naisyu din sa akin yan na ganu’n, na kami. Si Sue, naisyu din naman na kami and si Loisa, hindi naman na bago sa akin na maisyu kami. So, wala talaga, magkaibigan kami,” pagtatapos ni Ronnie sa panayam ng PUSH.