• Home
  • Fresh Scoops
  • McCoy de Leon hope McLisse fans will understand he went solo in his debut movie role.

EXCLUSIVE: McCoy de Leon reacts to praise for his debut movie role

McCoy de Leon hope McLisse fans will understand he went solo in his debut movie role.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/02/2017 10:38 AM
EXCLUSIVE: McCoy de Leon reacts to praise for his debut movie role

 

Ang pelikulang Instalado ni Direk Jason Paul Laxamana na finalist sa 2nd ToFarm Film Festival ang magsisilbing acting debut ni Hashtag Mccoy de Leon sa pelikula. Masaya ang aktor na ikinuwento sa PUSH na sa simula pa lang na i-pitch sa kanya ang project ay naging interesado na siya dito.

“Unang-unang pelikula ko po ito. Nu’ng binigay po yung script, may pakiramdam na ‘gusto ko na ‘to,’ yung ganu’n. Tapos nung nabasa ko, lalo po akong na-excite kasi nga sci-fi, kakaiba, tapos indie at iba naman ito,” masayang simula ni McCoy nang makausap namin siya after ng ToFarm prescon.


Satisfied ba naman siya sa acting na ipinakita niya sa first movie?

“Binigay ko naman po talaga yung makakaya ko saka yung karakter na gusto ni Direk Jason pinakita ko naman,” sagot niya.

Patuloy pa ni McCoy, “Si Direk Jason kasi, siya yung tahimik pero pag nakita mo yung proyekto niya parang, ‘ba’t ganu’n, ang galing, parang iba ito?’

“Yung trailer nga namin, nagulat ako kasi ibang-iba siya don sa tine-take pa lang namin. Nakaka-inspire lang din talaga po na magtrabaho pa.”

Eh, ano’ng pakiramdam na marami sa mga nakapanood ng rushes ng Instalado ay puring-puri ang kanyang pagganap kahit baguhan lang sa pag-arte. Pang-best actor nga raw siya sa pelikula.

“Sa akin po kung papalarin lang. Siguro, sobrang suwerte ko na talaga pag nangyari yon. Pero thankful na po ako na nabigyan ako ng ganitong opportunity,” tila nahihiya niyang pahayag.

Hindi kasama ni McCoy ang ka-love team na si Elisse Joson sa Instalado, pero alam niya raw na maiintindihan ito ng kanilang supporters.

“Ang sa akin naman po kasi, nag-start naman po ako sa Hashtag as isa lang din, mag-isa lang din ako, pero nagkaroon din ng project. Siguro, dagdag lang rin ito.

“Open naman po siguro yung mga tao na may makita silang… maiintindihan naman po nila na ako lang munang mag-isa,” rason ng aktor.

Pero siyempre, gusto rin ni McCoy na makasama si Elisse sa pelikula kaya nang sabihin namin sa kanya na interesado ang isang producer na i-cast ang McLisse sa possible MMFF movie ay natuwa siya.

“Ah, talaga po. Wow. Sobrang thankful po talaga kung sakaling matuloy yon. Mahirap po kasi, eh. Naniniwala po kasi ako sa usog, ganyan.

“Actually, tina-tag lang po kami ng fans at nagugulat ako na, ‘Ay, may ganu’n pala kami.’ Pag nandyan na po talaga, do’n ko po masasabi na eto, meron na po. Ang hirap pong magsalita talaga kasi,” sey pa ng guwapong binata.

Wala pa ba siyang nai-encounter na nagsasabing lumaki na ang ulo niya?

“Naku, wala po. Mahirap po kasi yon. Ang iniisip ko lang po talaga, eh, yung mga una kong nakakasama nung nag-start pa lang ako – ang Hashtags, pamilya ko, sa mga naniniwala sa akin una pa lang. Yon po yung ginagawa ko para ma-maintain ko kung ano ako noon,” pagtatapos ni McCoy.