• Home
  • Fresh Scoops
  • Inexplain din ni Xian kung bakit hindi parte ng kanyang recent concert si Kim.

Xian Lim, affected ba sa message ni Justin Bieber kay Kim Chiu?

Inexplain din ni Xian kung bakit hindi parte ng kanyang recent concert si Kim.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/19/2017 08:11 PM
Xian Lim, affected ba sa message ni Justin Bieber kay Kim Chiu?

 

Mula sa success ng kanyang one night concert sa The Theater ng Solaire, direcho naman para sa kanyang art exhibit ang kapamilya actor na si Xian Lim para i-share ang kanyang mga personal na paintings na may tema na “False Hope.”

 


 

see you guys later!!!😄😄😄 doors open at 7pm

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

Sa panayam na ito, ibinahagi ni Xian ang kanyang naging inspirasyon sa kanyang pag buo ng mga painting na kasalukuyang naka exhibit sa Ronac Art Center sa San Juan City.

 

 

Xian Lim @xianlimm #xianlim ibinida ang kanyang mga sariling painting

A post shared by Push (@pushalerts) on

"Basically it's about expectations as a painter, sa bawat pag pahid ko ng pintura sa canvass. Kasi mayroon tayong vision sa painting na, for me, hindi siya na achieve sa bawat pag pahid ng pintura. So I don't want to hide mistakes kung makikita mo may mga patong-patong na paint colors," paliwanag niya.

Dito, nagpasalamat din ni Xian para sa mga sumuporta sa kanyang concert, kabilang na dito ang kanyang rumored girlfriend na si Kim Chiu.

"We already made it clear naman na she wasn't part of the concert and I just told everyone na she will be there to watch, siyempre parang take time to enjoy lang. It gets easy to confuse work from regular life, so ako I would understand why people are having those assumptions pero dapat chill lang happy happy lang."

Nag-react din si Xian sa viral comment ng international popstar na si Justin Bieber para kay Kim. Nilinaw ni Xian na hindi ito issue para sakanya.

“Jusko! Walang ganun (selos),” sabi pa ni Xian. "Pero ang galing! Sana siyempre makapanuod si Kim ng concert kasi she's been very busy with her work now," matipid na pahayag ni Xian.