• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakapagpiyansa na ang Tawag ng Tanghalan champion na sinampahan ng kasong sexual assault sa Cebu.

Noven Belleza sinabing inosente siya sa mga paratang sa kanya

Nakapagpiyansa na ang Tawag ng Tanghalan champion na sinampahan ng kasong sexual assault sa Cebu.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/19/2017 10:16 PM
Noven Belleza sinabing inosente siya sa mga paratang sa kanya

 

Inaresto ng mga pulis Cebu ang Tawag ng Tanghalan grand champion na si Noven Belleza noong July 16 dahil sa akusasyon na panghihipo sa isang babae.

Ayon sa imbestigasyon ng Women and Children’s Protection Desk ng Mabolo Police, magkasama si Noven at ang complainant sa isang hotel, bago ang guesting ng singer sa isang concert ng Sabado ng gabi. Magkakilala ang dalawa dahil dati ring naging contestant sa Tawag ng Tanghalan ang complainant.


Pero nagreklamo si Noven ng paninikip ng dibdib at pagsakit ng tiyan sa kulungan kaya isinugod ito sa ospital at doon ginawa ang inquest proceedings. Sinampahan na si Noven ng piskal ng kasong sexual assault.

Nakapagpiyansa naman ang singer ng P120,000 kaya’t pansamantala itong nakalaya.

Di naman na nagbigay ng detalyadong pahayag pa ang abogado ni Noven na si Atty. Lani Villarino tungkol sa kaso.

“We are very much relieved because it is bailable. But then again, I’ll just reserve my answers regarding the case, because it is already in court.”

Ayon naman sa abogado ng complainant na si Atty. Fritz Lastimoso, malinaw na nilabag pa din ni Noven ang expanded anti-rape law.

“May rape pa din na na-consummate. Under the expanded anti-rape law, rape pa din ito.”

Sa kabilang banda, naniniwala naman ang ama ni Noven na inosente ang kanyang anak sa mga akusasyon dito.

Sabi ni Reynaldo Belleza, kilala niya ang kanyang anak at alam ng marami ang kanilang buhay. Hinala niya ay na-frame up lang si Noven. Payo lamang niya sa anak ay magpakatatag ito.

Nagrelease na din ng statement ang ABS-CBN tungkol sa kinasangkutang kaso ng singer.

“Noven Belleza posted bail today in connection with the charge of sexual assault filed with the Regional Trial Court of Cebu City.

“Noven asserts he did not commit the crime charged and he will prove his innocence in the course of the legal proceedings.”

Paanoorin ang kabuuang report ng TV Patrol DITO