• Home
  • Fresh Scoops
  • Jameson Blake says there is no ‘sapawan’ issues with the Hashtags.

Indie actor na daw, Jameson Blake iiwan na nga ba ang Hashtags?

Jameson Blake says there is no ‘sapawan’ issues with the Hashtags.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/19/2017 10:04 AM
Indie actor na daw, Jameson Blake iiwan na nga ba ang Hashtags?

 

Muling nagbabalik sa mundo ng indie film ang Hashtags member na si Jameson Blake para sa 13th Cinemalaya entry na Ang Nabubulok.

Dito, makakasama ni Jameson ang isa pa sa mga hinahangaang kapamilya artist na si JC Santos na kilala din sa mundo ng indies.


 

Mula sa kanyang markadong pagganap sa 2 Cool 2 Be Forgotten noong 2016, excited ngayon si Jameson para sa kanyang bagong role.

"Excited po kasi this is my second indie film and I enjoy it, working with the cast. Tapos yung character ko fits me as well, Am-boy (American Boy). I learned new things throughout the shoot so it was fun," saad pa ng binate.

Dahil abala siya sa mga projects ngayon, kuwento ni Jameson na hindi naging issue sa Hashtags ang sapawan pagdating sa kanilang mga career.

"Well para sa akin wala naman akong nararamdaman na inggitan. I don't know I cannot be sure kasi we have our own way naman, own path ng mga career kasi lahat naman po kami umaangat naman po ngayon," ani pa ni Jameson.

 

Kahit kabi-kabilang ngayon ang acting projects ni Jameson, never din daw sumagi sa isip ng binata na lisanin ang all male group at ang It's Showtime.

"Sure ‘no! Kasi doon po ako galing [Hashtags] until now hashtag pa din ako. Performer din po ako so medyo doon ko nailalabas ang pagiging dancer ko and siyempre hindi ko iiwan ang where I came from especially Showtime family," pahayag pa ni Jameson.

Bukod sa Cinemlaya entry, abala din ngayon si Jameson sa kilig primetime teleserye na A Love To Last.