• Home
  • Fresh Scoops
  • Yassi Pressman reacts to issue she won’t be the leading lady in ‘Ang Panday’

Yassi Pressman handa na ba mag-paalam sa ‘FPJ's Ang Probinsyano’?

Yassi Pressman reacts to issue she won’t be the leading lady in ‘Ang Panday’

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/18/2017 08:28 AM
Yassi Pressman handa na ba mag-paalam sa ‘FPJ's Ang Probinsyano’?

 

All smiles ang FPJ's Ang Probinsyano leading lady na si Yassi Pressman nang dumating ito sa para sa launching ng Nivea Deodorant kung saan siya ang bagong endorser.

 

Yassi Pressman @yassipressman #yassipressman graces her newest endorsement #nivea #niveadeoserum


A post shared by Push (@pushalerts) on

Dahil patuloy ang pagbuhos ng blessings sa kanya, patuloy pa din ang pasasalamat ng dalaga sa exposure na ibinigay sa kanya ng top-rating primetime teleserye na Ang Probinsyano.

"Sobrang malaking tulong po talaga and honored na din po sa pagiging parte ng Ang Probinsyano, doon palang blessed na blessed na po talaga ako," sabi pa ni Yassi.

Dahil sa patindi ng patindi na mga eksena sa Ang Probinsyano at unti-unting pagkalagas ng ilan sa mga tauhan nito, naitanong din kay Yassi kung handa ba siya kung sakaling si Alyana Arevalo naman ang magpaalam sa serye.

 

Tulaley #FPJAPpagluha

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on

"Hindi ko po maisip. Magiging sobrang malungkot na malungkot po ako. Sa totoo lang po nung nawala nga po si Ricky boy sobrang lungkot ko eh kasi kasama ko po siya sa tent at inaalagaan po talaga namin siya doon," sabi pa ni Yassi.

Bukod sa Ang Probinsyano, nilinaw din ni Yassi ang mga isyu ng pag e-expect umano niya na maging leading lady ni Coco Martin sa 2017 MMFF movie nito na Ang Panday.

"Hindi po ako mahilig mag expect eh (laughs). Para nga iba rin ang maibibigay niya. Excited po ako na mapanood sila," paliwanag pa nito.

"Napag-uusapan naman po namin yung mga cast na kasama kasi marami rin sa family namin sa Ang Probinsyano ang kasama sa movie," dagdag pa ng dalaga.

Hindi man gaganap na leading lady, posible din kaya ang kanyang special role sa Ang Panday?

"Hindi ko pa po alam! Surprise! (Laughs)” ang matapid na pahayag ni Yassi.

Bukod sa araw-araw na taping ng Ang Probinsyano, abala din ngayon si Yassi para sa upcoming movie ng Viva Films na Ang Pambansang Third Wheel kung saan makakasama niya si Sam Milby.