• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim will be hosting an international pageant for the first time.

Xian Lim to host 2017 Miss Grand International pageant

Xian Lim will be hosting an international pageant for the first time.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/18/2017 08:41 AM
Xian Lim to host 2017 Miss Grand International pageant

 

Good news sa Pinoy pageant fans dahil si Xian Lim kasama ang Miss Grand 2016 First Runner-Up na si Nicole Cordoves ang magiging hosts para sa 2017 edition ng Thailand-based international pageant, ang Miss Grand International.

Masaya si Xian nang makausap natin dahil nagtiwala sa kanya ang international pageant na maging host nito.


"I’m just thankful sa Miss Grand International for getting me and Nicole Cordoves. I was shocked nga doon sa may pinapalabas na videos, ang ganda ang ganda lang! I’m sure it would be a wonderful experience," sabi ni Xian.

Apat na editions ng Binibining Pililinas Beauty Pageant ang nai-host na ni Xian at sa 2017 edition ng Binibini, personal na nanood ang Miss Grand International CEO Nawat Itsaragrisil sa performance ni Xian kaya’t kinuha ang services ng aktor at host.

"As a host, I want to have that presence na yung dead air ng crowd mawala and I want it to be as entertaining as possible. Maski na it’s a formal event, I want them to feel na we’re having a good time," sabi pa ni Xian.

Sa Vietnam magaganap ang coronation ng 2017 Miss Grand International at ang Vinpearl Phu Quoc Resort and Villas Convention Hall on the island of Phu Quoc ang magiging venue ng pageant sa October 25.