• Home
  • Fresh Scoops
  • Also, AGSUNTA band hopes to revive the old-school band scene.

Migz Haleco talks about going solo as a musician

Also, AGSUNTA band hopes to revive the old-school band scene.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/18/2017 10:51 AM
Migz Haleco talks about going solo as a musician
Photo credits to stephen_agsunta IG

 

Masayang-masaya ang dalawa sa mga bagong pangalan na aabangan sa mundo ng musika na sina Migz Haleco ng dating duo na Migz and Maya at ang rising boy band na AGSUNTA na binubuo naman nila Mikel, Jai, Stephen at Josh para sa kanilang bagong blessing bilang Star Music recording Artist.

Sa panayam na ito kay Migz, excitement more than kaba ang kanyang nararamdaman ngayon na magka-iba na sila ng landas ng kasama na si Maya.


"Naninibago kasi galing ako sa duo before and excited at the same time kasi halo-halong feelings yung nararamdaman ko and pressured din kasi solo artist na ako kaya doble effort ang kailangan ko para mas may mapatunayan ako."

Challenging man ang mag-solo, tuloy lang ang kanyang pangarap na gumawa pa din ng sariling pangalan sa mundo ng musika.

"Aabangan siguro sa ngayon na solo nalang ako na mas na i-showcase ko po siguro ang pagiging songwriter ko and more on sarili ko at ako talaga," sabi pa ni Migz.

Dream come true naman para sa bandang AGSUNTA na sila Mikel, Jai, Stephen at Josh ang maging ganap na recording artists.

"Unbelievable po yung feeling na ngayon andito na kami parang dati kasi biru-biruan lang tapos ngayon nangyayari na pala talaga," sabi pa isa sa miyebro nito.

Ayon pa sa AGSUNTA, aasahan din daw ang kakaibang tunog mula sa kanilang grupo na magpapa-alala sa mga nakasanayang musika noon.

"Hindi naman po siguro nawala pero siguro nag lie-low lang ng kaunti. Pero hindi naman po sa ibabalik namin ang band era. Siguro po may influence lang po kami ng pareho ng tunog," pahayag pa ng grupo.

Excited din ang banda para sa revival nila kung saan tampok ang ilang awitin ng VST & Co.