• Home
  • Fresh Scoops
  • Jeric Raval’s secret to his youthful looks is surprisingly simple.

Jeric Raval reveals his secret to looking young

Jeric Raval’s secret to his youthful looks is surprisingly simple.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/18/2017 08:25 AM
Jeric Raval reveals his secret to looking young

 

Bakit mukhang bata pa rin ang itsura ni Jeric Raval? Ano ang kanyang sikreto sa pagiging younger-looking?

Ayon kay Jeric, halos isang dekada rin siyang namahinga sa showbiz at sa paggawa ng pelikula. Mabuti na lang daw at dininig ng Diyos ang panalangin niya na makabalik ulit at magkaroon ng trabaho.


“Gabi-gabi kong ipinapanalangin yon noon na sana makabalik ako. Dininig naman ang panalangin ko. Nu’ng nagkaroon ako ng exposure sa Deal or No Deal for almost a year, do’n na ako nagsimulang mapansin ulit,” kuwento ni Jeric sa PUSH.

Kung anu-anong trabaho din daw ang ginawa niya noon para maka-survive.

 “Nu’ng wala ako sa showbiz, nagba-buy and sell ako ng used cars, tapos nangongontrata ako ng bahay.

“Nagtrabaho din ako sa Senate kay Sen. (Lito) Lapid. Hindi rin naman ako tumitigil, eh, kasi mahirap pag tumigil kasi magugutom ka,” sey pa niya.

Looking young at parang hindi pa rin tumatanda si Jeric na hindi naman itinago sa PUSH kung ano tunay niyang edad.

“Showbiz age ba o yung totoo? I’m 56 na,” pag-amin ng action star na natatawa.

Eh, bakit ang bata-bata pa rin ng hitsura niya at wala pang kulobot ang kanyang mukha?

“Siguro dahil wala lang akong bisyo, hindi ako naninigarilyo. Ever since hindi talaga, kasi ayoko ng smoke, hindi mo nga ako makikita sa bar noong araw.

“Siguro kung makita mo man ako, isang oras lang at saka ayoko talagang manigarilyo kasi para akong ina-asthma,” pagtatapat ni Jeric.

Patuloy pa ng action star, “Hindi rin ako umiinom kasi na-intoxicate ako pag sobra, halimbawa naka-apat na beer ako hindi ako makahinga. Hindi para sa akin ang alak at sigarilyo.”

Meron ba siyang sinusunod na beauty regimen?

“Wala naman, ordinary soap lang, saka nakita ko, mahabang tulog, eh. More than eight hours ako matulog, lampas pa maliban lang kung puyat lalo na pag may taping na inumaga kami tapos ang susunod na schedule ay umaga rin.

“Do’n wala akong choice. Pero pag may oras lang, hayun, tulog kami,” sabi pa niya.

Samantala, kasama si Jeric sa pelikula ng Viva Films na Double Barrel na pinagbibidahan nina AJ Muhlach at Phoebe Walker under the direction of Toto Natividad. Showing na ang pelikula sa August 2.