• Home
  • Fresh Scoops
  • Dina Bonnevie nagbigay pahayag sa pagbubuntis ni Pauleen Luna

Dina Bonnevie nagbigay pahayag sa pagbubuntis ni Pauleen Luna

Dina Bonnevie says she has a friendly relationship with ex-husband Vic Sotto.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/18/2017 11:17 AM
Dina Bonnevie nagbigay pahayag sa pagbubuntis ni Pauleen Luna


 

Muling nagbabalik sa paggawa ng pelikula ang aktres na si Dina Bonnevie para sa CINEKO Productions na The Significant Other kung saan makakasama niya sina Lovi Poe, Tom Rodriguez, at Erich Gonzales.

Dito, nakatakdang gumanap si Dina bilang isang supportive at palaban na ina ni ni Lovi.

Sa panayam na ito ng PUSH, hindi na din maiwasan na kamustahin ang estado ng pagkakaibigan nila ex-husband na si Vic Sotto matapos nitong ikasal kay Pauleen Luna noong nakaraang taon (2016).

"We’re friends! I mean siyempre noong bago kaming hiwalay alam naman natin na hindi, but after couple of years naging magkaibigan kami and na-forgive na ang past and now we're friends," pahayag ni Dina.

Dito, nagbigay pahayag din si Dina tungkol sa pagdadalang-tao ni Pauleen.

 

Hello from "May" Baby Spice! 🎀

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

"I'm sure siguro if he would have his way, parang he's too old na to have another child and to start all over again. But siyempre, you cannot take that right away from Pauleen because she has also a right to become a mom and any wife would like to be a mother ‘di ba? Lalo na kung mahal na mahal mo yung lalaking napangasawa mo siyempre 'di ba gusto mo makita yung naging prutas ng pagsasamahan ninyo?" Sabi pa ni Ms. D.

Dahil sa magandang pagkakaibigan ni Vic at Dina, naibahagi din ng aktres ang tila ilan sa mga 'worries' ngayon ni Bossing lalo ngayon na magiging daddy na ulit siya.

"I'm sure he's also expectant, happy. I'm sure he has worries na like 'paano yan kapag may mga PTA sa school mapagkamalan akong lolo ng bata' (laughs) Kasi nagbibiro siya ng ganon e. Ang sabi ko naman sa kanya 'given na yun alam mo yon pag punta mo sa PTA lolo ka' (laughs) or maybe si Pauleen nalang ang mag-attend but come on! It's an open book naman so I think they don't care about it," pahayag pa ni Dina.

Bukod sa The Significant Other, looking forward na din si Dina para sa nalalapit na showing ng Citizen Jake kung saan gumaganap siya bilang nanay ni Atom Araullo.