• Home
  • Fresh Scoops
  • Muling nagbabalik sa recording scene ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid para sa kanyang album na Nakakalokal.

Ogie Alcasid at Regine Velasquez concert, magtatapatan ngayong 2017

Muling nagbabalik sa recording scene ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid para sa kanyang album na Nakakalokal.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/17/2017 01:08 AM
Ogie Alcasid at Regine Velasquez concert, magtatapatan ngayong 2017

 

Muling nagbabalik sa recording scene ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid para sa kanyang album na Nakakalokal.

Ito ang unang album na gagawin ni Ogie under Star Music kung saan makakasama niya ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.


 

#nakakalokal in digital stores! #opm

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

 

"I'm very, very excited because this is the first time that I've worked with ABS-CBN Philharmonic Orchestra. It's such an honor for me to work with them. Ang ganda ng feeling kapag naririnig mo yung musika mo na binibigyan nila ng pangalawang buhay after writing it. Para akong nasa langit. Para kang dinuduyan ng orchestra especially when the orchestra is being conducted by Gerard Salonga. Ang sarap," sabi ni Ogie.

Bukod sa full orchestra, espesyal din para kay Ogie ang album dahil makasama niya ang kanyang maybahay na si Song Bird Regine Velasquez para sa isang medley na kabilang sa album.

 

Opo kinain na po kami ng sistema #saranghaeyo ❤️❤️❤️ @ogiealcasid

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

 

"It is special, It is a medley that we've done years ago for ABS-CBN also. It was her concert, I remember and I was a guest. This must have been 15 or 16 years ago, We dug up the old medley and sabi ko, 'We should do this again and record it.' Kasama nga doon yung 'Kailangan Ko'y Ikaw', Pangako' and 'Hanggang Ngayon.' Those are very special duets that we have," ani pa ni Ogie.

Bukod sa preparasyon para sa nalalapit na album launch, abala din ngayon si Ogie para sa kanyang birthday concert sa Kia Theater.

"Incidentally, also next year is my 30th anniversary so I will be having a concert with the ABS-CBN Philharmonic next year in a very big venue. This year naman I am turning 50, so I also have a concert at the KIA Theater on August 25. It’s also called ‘Nakakalokal.’ It’s in line with the promo of the album. On July 22, I will be at Robinson’s Magnolia naman, kasama ko ang orchestra, doon kami maglalaunch ng album," pagbabahagi pa ng singer.

Dahil nataon ngayon na halos magkasabay ang kanilang concert, ikinwento pa ni Ogie ang tulungan nilang mga asawa para sa bawat isa.
 

 

#Repost @cacaimitra ・・・ R3.0 O C T O B E R 2 1 M O A A R E N A Will announce ticket details soon. @reginevalcasid

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

"Oo naman pero parang mas secretive siya kaysa sa akin. Regine is a very intense artist. She is really very focused. Ako more of mas relaxed ako, mas nagtatanong ako. I don't know if it's because I am unsure of myself, but I really value her opinion. She does ask me naman but she is a very hands-on artist. It's nice to be married to someone who's like that. It's nice to be married to someone who you enjoy the same passion which is music and laughter and dancing," pagtatapos na pahayag ni Ogie.