• Home
  • Fresh Scoops
  • John Prats admits he is the ‘spoiler’ while wife Isabel Oli is more of the disciplinarian.

EXCLUSIVE: John Prats, ayaw pag-artistahin at a very young age ang anak na si Feather

John Prats admits he is the ‘spoiler’ while wife Isabel Oli is more of the disciplinarian.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/16/2017 10:00 AM
EXCLUSIVE: John Prats, ayaw pag-artistahin at a very young age ang anak na si Feather
Photo credit to the owner

 

Alamin kung bakit

Ang bilis ng panahon. One year and two months na pala ang baby nina John Prats at Isabel Oli na si Feather kaya balak na raw nila itong sundan.


“Yon na nga, eh. Yon ang gusto namin, na hopefully soon masundan na. Well, we’re working on it.

“Siguro mga dalawa o makatatlong baby, okey na yon,” simulang kuwento ni John sa PUSH.

Halatang enjoy na enjoy si John sa pagiging daddy kay Feather. May tendency din daw na ma-spoiled niya ang anak.

“Ang sarap, eh. At saka sa iba ang pakiramdam. Kahit anong pagod mo, actually hindi mo nararamdan.

“Pag kasama ko si Feather, kung anong gusto niya yon ang binibigay ko. Like pag nasa mall kami, talagang kumukuha siya ng laruan tapos yayakapin niya.

“Ita-try kong kunin, tapos kapag kinuha niya ulit, ibig sabihin gustung-gusto niya kaya bibilhin ko yon for her. Si Olive kasi may pagka-disciplinarian. Ako yung parang medyo spoiler,” dagdag pang kuwento ni John.

Eh, paano kung makitaan niya ng interes sa pag-aartista si Feather, papayagan ba niya?

Aniya, “Well ako, as much as possible kung puwede ko pang i-hold gagawin ko. Siguro sa commercial okey lang, pero I don’t want her na pumasok ng bata pa.

“Siguro kung gusto niyang pumasok pag nagkaedad na siya ng mga 16 or 17. Kung gusto niyang mag-artista sana mga ganung age.”

As much as possible, gusto raw niyang ma-enjoy ni Feather ang childhood nito, pero kung makikita niya raw na interesado talaga itong mag-artista ay wala rin naman siyang magagawa.

“Ako kasi nag-start ako eight years old. Ganun ako nagsimula. Yon siguro yung na-miss ko during nung bata ako, pero normal naman yung buhay ko kasi we taped Saturdays at ang tingin ko naman no’n is laro lang yung ginagawa ko.

“Ayoko lang na nakawin sa kanya yung pag-aaral niya, yung childhood niya. Pagka nagkaisip na siya at nakita ko namang gusto, hindi mo na mapipigilan yon. So pag gusto niya, wala naman akong magagawa,” pahayag pa ng aktor.

Naibahagi rin ni John na sobrang blessed siya sa pagkakaroon ng asawang tulad ni Olive.

“Sobra siyang hands-on. Talagang ayaw niyang mag-work until ma-mold si Feather. Kung may project like MMK, Ipaglaban Mo o hosting, okey sa kanya yon. Pero sobrang happy siya na maging full-time mom.

“Hindi naman siya selosa. Well, sometimes nami-miss niya ako kasi siyempre yung work load. Pero we have the same motivation, eh. Meron kaming mga goals sa pamilya and we make sacrifices, so yon talaga,” pagtatapos ni John sa PUSH.