EXCLUSIVE: Gelli de Belen talks about working with Daniel Padilla in ‘La Luna Sangre’

Gelli de Belen says she also wants to make an indie film.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/16/2017 09:45 AM
EXCLUSIVE: Gelli de Belen talks about working with Daniel Padilla in ‘La Luna Sangre’

 

Isa sa characters na napapanood gabi-gabi bilang Bettina "Betty" Toralba sa top rating teleserye na La Luna Sangre ang pinoportray ni 1995 Urian Best Actress na si Gelli de Belen na nagbabalik sa paggawa ng teleserye. Ayon kay Gelli, na-miss niya ang acting dahil nalinya siya sa pagho-host at sa comedy shows sa matagal na panahon. Masaya ang samahan sa La Luna Sangre at ginagalingan ang bawat eksena.

"Happy set but of course minsan may konting pressure to finish certain sequences because aabutan ng airing plus pressure to execute the script well and constantly wanting to improve what we can in each sequence we do," kuwento ni Gelli.


Pinuri ni Gelli ang katrabaho na si Daniel Padilla na gumaganap bilang Tristan.

"Hindi ko pa naka-eksena si Kathryn (Bernardo) but DJ is a sweetheart. Charming boy and he radiates that charm hanggang sa screen that's why he is loved by the viewers. Haven't had many scenes with him but so far from what I have seen, he is a natural. I think it's also because he is comfortable with himself," sabi ng aktres.

Mainam din ang napapanood ang mga eksena para nakikita ang mga dapat pang improve. Pero para kay Gelli, may epekto rin sa kanyang performance kung lagi ka nagmi-monitor ng mga eksena mo.

"Minsan pag naaabutan ko I watch. Watching my work helps sometimes para I can also correct myself but not all the time because it makes me also too conscious of my every action baka mawalan naman ng sincerity. So all in moderation I suppose," sabi pa ni Gelli.

 

 

The graduate is happy and so are we!

A post shared by Gelli de Belen-Rivera (@gellidebelen) on

Nag-graduate din kamakailan ang panganay na anak ni Gelli at isa daw ito sa pinakamasayang araw sa kanya bilang magulang.

"Yes my eldest graduated high school sa Canada. Dun din siya mag-continue ng studies niya. Overwhelming joy and pride ang feeling namin ni Ariel (Rivera). The first time I saw his grad pictures naluha pa ako sa tuwa. Any parent who has experienced this knows what I am talking about," kuwento pa ni Gelli.

Open din sa options ang aktres na umarte sa isang indie project na gumagawa ng ingay lalo na sa ibang bansa.

"I am open to anything. Of course I would be interested to do an indie if something interesting comes my way. Always grateful for work," pagtatapos ni Gelli.