Lorna Tolentino favorite role ang maging lola

Lorna Tolentino set to make her TV comeback with ‘Victims of Love’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/15/2017 10:23 AM
Lorna Tolentino favorite role ang maging lola


 

After six years, muling magbabalik para sa isang natatanging pag-ganap ang aktres na si Lorna Tolentino sa Victims of Love.

Sa panayam na ito kay LT, ibinahagi niya ang kanyang naramdaman nang i-offer sa kanya ang role sa nasabing proyekto.

 

Thank you @abscbn @dreamscapeph ❤3-15-17

A post shared by lornatolentinof (@lornatolentinofernandez) on

"Excited ako kasi medyo matagal din ako nag pahinga. Ang last ko ata 2011 pa so medyo matagal na din," sambit pa ni LT.

Hindi man visible ngayon sa publiko at TV shows si Lorna, abala naman siya sa kanyang favorite role ngayon bilang lola.

 

#makeuptime with Tori ❤️ 11-12-16

A post shared by lornatolentinof (@lornatolentinofernandez) on

"My happiness, ibang level kasi parang nag a-add up sa energy mo yung pagiging lola. Parang gusto ko pang marami pang magawa, yung humaba pa yung buhay mo para makasama mo lalo at madalas mo pa makita," ani pa ni LT.

Pero bago pa man maging lola si LT, isa din noon sa favorite role ni Lorna ang Darna noong 1977 sa RPN 9.

"Yes sa TV ako sa channel 9 before. Tapos 14 years old lang ako nung mag-Darna ako so yung mga action scenes hindi ko nakukuha dayain. Kaya doble ingat talaga yun kasi mahirap kasi bata ka pa noon at walang double noon kasi TV e," sabi pa ni LT.

Dahil dito, isa din si LT sa mga nag lo-look forward at proud para sa muling paglipad ni Darna na gagampanan ni Liza Soberano.

"Masarap sa pakiramdam na mahilera ka doon sa mga nag Darna from the movie, hanggang sa naging TV. Malaking honor talaga yung maging Darna ka even before," pahayag pa ni Lorna.