• Home
  • Fresh Scoops
  • Garie Concepcion on how she is with Sharon Cuneta: ‘Past is past.’

EXCLUSIVE: Sharon Cuneta at Garie Concepcion, walang ilangan factor kapag nagkikita

Garie Concepcion on how she is with Sharon Cuneta: ‘Past is past.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/15/2017 09:49 AM
EXCLUSIVE: Sharon Cuneta at Garie Concepcion, walang ilangan factor kapag nagkikita
Garie's photo credits to @garie_concepcion

 

Nagkita sina Sharon Cuneta at Garie Concepcion sa presscon ng Cinemalaya 2017 nu’ng Huwebes (July 13) sa Cultural Center of the Philippines at nagyakapan pa sila.

Parehong may pelikulang kasali sa Cinemalaya sina Sharon at Garie. Bida si Shawie sa Ang Pamilyang Hindi Lumuluha at kasama naman sa cast ng Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa si Garie.


“Third time ko pa lang pong nakikia si Tita (tawag niya kay Sharon). Okey naman po kami. Tsaka wala na yung… past is past,” sabi pa ng singer-actress.

Si Garie ay anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna. Half-sister niya si KC Concepcion na anak naman ni Gabby kay Sharon.

Patuloy pa ni Garie, “Ang tatanda na namin. Ang ate ko (KC) puwede nang magkaanak, di ba? Hahaha!

Eh, sino ba ang unang lumalapit pag nagkikita sila ng Megastar?

“Siyempre ako po,” sagot agad ni Garie. “Pero namamansin din naman po si Tita pag nagkita kami,” dagdag niya.

Hindi na rin daw nila napag-uusapan ang tungkol sa past.

“Kumustahan lang po. Tulad kanina, the moment she sat down, interbyu-interbyu na hanggang pauwi na siya, ganyan, kaya wala na rin pong chance.”

Samantala, inamin ni Garie na nag-audition siya sa Cinemalaya para mapasama sa Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa na idinirek ni Perry Escano.

“Okey lang po sa aking mag-audition. Sabi ko nga sa management team ko which is Cornerstone, padalhan lang nila ako lagi kung saan may audition at pupuntahan ko. Wala pong problema sa akin,” sey pa niya.

Kasama ni Garie sa kanyang first Cinemalaya film si Alfred Vargas, Kiko Matos, James Blanco, Loren Burgos at marami pang iba.