• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ng race car driver na mas gusto nila ni Pia ng privacy sa kanilang relasyon.

Marlon Stockinger at Pia Wurtzbach, hiwalay na nga ba?

Sinabi ng race car driver na mas gusto nila ni Pia ng privacy sa kanilang relasyon.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

07/14/2017 11:52 AM
Marlon Stockinger at Pia Wurtzbach, hiwalay na nga ba?
Photo credits to piawurtzbach/marlonstockinger IG

 

Sa TV Patrol, sinabi  ni Marlon Stockinger na hindi totoo ang tsismis na break na sila ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach matapos siyang i-unfollow ng dalaga sa Instagram. “People just talk bout that. That's just tsismis.” 

Nang tanungin kung kumusta na sila sinabi naman ng race car driver na, “We’re good. Yes, everything’s fine.” 


Mas pinipili daw nila ngayon ni Pia na mas maging pribado ang kanilang relationship. “We just realized, you know, what maters is the two of us in the end,   behind closed doors. We don't always have to show that or share that either,” paliwanag pa ni Marlon.  

Nang tanungin naman kung naka-apekto sa relationship nila nang sumabog ang balita na may anak na si Marlon, ang sagot niya ay, “Never, no. If you love someone, they love you back. That doesn't change things.” 

Dagdag pa niya, “I really appreciate her for that. She’s been supportive and I just dealt with it privately with her.”