JC Santos keber sa live-in issue ng JaDine

JC Santos says he doesn’t see rumors of JaDine living together as an issue.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/14/2017 10:14 AM
JC Santos keber sa live-in issue ng JaDine


 

Present sa naganap na press presentation ng 13th Cinemalaya ang aktor na si JC Santos para sa kanilang entry na Nabubulok.

Bilang isa sa mga aktor na nag-umpisa sa independent films, aminado si JC na malapit sa puso niya ang pag-ambag ng sariling kakayanan para sa Cinemalaya.

"Actually wala namang difference. Nag-eenjoy ako sa indie kasi dito naman din ako nag-umpisa. And for me kapag na sa indie ako, marami akong na po-portray na character at naniniwala sila na kaya kong gumawa ng iba-ibang role kaya hindi lang ako stuck sa isang role lang. And besides masaya yung storytelling ang collaboration e kahit na walang budget masyado. Rich yung artistic feels parang ganun," pahayag ni JC.

Bukod sa kanyang Cinemalaya entry, pasok din ang isa pang pelikula ni JC para naman sa unang taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino na 100 Tula para kay Stella kung saan makakasama niya si Bela Padilla.

Isa din sa pinaghahandaan ni JC ang isang projekto sa kapamilya network na Victims of Love kung saan muli niyang makakasama ang kanyang bagong paboritong ka tandem na si Julia Montes. Una na niyang nakasama ito sa Wansapanataym Presents : Anika Pintasera.

"Yes, nag-eenjoy kami magkasama ni Julia na makatrabaho ang isa't isa. Ako honestly nag-eenjoy ako ka trabaho si Julia and yung connection namin parang madami pa kaming pwedeng gawin ayon sa mga napag kuwentuhan namin," sabi pa ni JC.

Kung paano niya ilalarawan si Julia, sagot ni JC, "Marami e pero she's wonderful, she's generous and open. Napakabait na tao ni Julia."

Bukod kay Julia, looking forward din si JC na makatrabaho muli ang kanyang mga kaibigan na sina James Reid at Nadine Lustre na minsan niyang nakasama sa hit teleserye na Till I Met You.

"May upcoming movie po ako under Viva Films and hopefully makasama ko po sila kasi love na love ko din yung dalawang yun e."

Dahil isa si JC sa malapit sa tambalan ng JaDine, nagbigay pahayag ang aktor tungkol sa pag li-live in na umano ng dalawa. Pero ayon kay JC hindi na ito isyu sa kanya sa ngayon.

 

 

Meet Iris, Basti, and Ali of TIL I MET YOU. :) #Dreamscape #Abscbn #timy #work

A post shared by JC Santos (@j.c.santos) on

READ: Are James Reid and Nadine Lustre living in together?

"Parang hindi [issue]. Just let them do whatever they want. Parang hindi naman na [issue]. I'm fine, but you know ganun e tsaka gusto nila and ano ba 2017, 2017 na," pagtatapos na pahayag JC.