• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado talks about her work as a jury member for Pista ng Pelikulang Pilipino.

Iza Calzado gives back to showbiz

Iza Calzado talks about her work as a jury member for Pista ng Pelikulang Pilipino.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/14/2017 09:58 AM
Iza Calzado gives back to showbiz

 

All out support ang kapamilya actress na si Iza Calzado para sa nalalapit na kauna-unahang Pista ng Pelikulang Pilipino na proyekto ng Film Development Council of the Philippines.

Dito, isang dosenang pelikula ang maaring mapanuod sa isang linggong pagdiriwang simula August 16 hanggang 22. Kabilang dito ang mga pelikulang Birdshot, Triptiko, Slavage, Ang Manananggal sa Unit 23B, Star na si Van Damme Stallone, Patay Na si Hesus, Bar Boys, Paglipay, 100 Tula para kay Stella, Pauwi na, AWOL, at Hamog.


Bilang isa sa mga Jury Selection Committee ng mga pelikulang kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino, masaya si Iza para sa bagong pagkakataon na ito para sa pag yabong ng local movie industry.

"Exciting ang unang Pista ng Pelikulang Pilipino kasi parang isa siyang talent search, pero ito naman ay isang nationwide film search kumabaga and ang layunin po talaga is to give our Filipino films a platform, para mapanuod siya ng mas malawak na audience."

Pagbabahagi pa ni Iza, ang proyektong ito isang magandang pagkakataon para sa mga bagong henerasyon ng movie makers at pati na rin sa mga Pilipinong manunuod.

"Ang dami na talagang pelikula kaya ibig sabihin nito maingay na talaga ngayon ang Philippine Cinema. And as a Jury [member], ang isang bagay na we are taking into consideration ay hindi lamang kung magugustuhan namin kundi kung magugustuhan din ba ito ng ibang tao."

Abala man sa kanyang hectic schedule bilang isang aktres, todo pa din ang suporta ni Iza sa mga proyektong ito na makakatulong sa industriya.

"For me in anyway that I can support the industry, I will do so. Because this is just a small way of giving back to the industry as you put me where I am now," pahayag pa ni Iza.