• Home
  • Fresh Scoops
  • Aga Muhlach’s half brother AJ admits he has finally found the movie genre he really likes.

AJ Muhlach ilo-launch bilang action star sa ‘Double Barrel’

Aga Muhlach’s half brother AJ admits he has finally found the movie genre he really likes.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/14/2017 09:55 AM
AJ Muhlach ilo-launch bilang action star sa ‘Double Barrel’

 

Nagpapasalamat si AJ Muhlach, half-brother ni Aga na after seven years ay bida na siya sa pelikula at ilo-launch pa ng Viva Films bilang action star sa pelikulang Double Barrel na ipapalabas sa August 2.

“Very thankful po talaga ako sa Viva lalo na po kay Boss Vic (del Rosario). Sa hinaba-haba ng panahon at sa maraming taon na naka-sign po ako sa kanila, talagang hindi po ako nawalan ng projects.


“Hindi ko na-feel na hindi na nila ako pinu-push. Talagang pinu-push po nila ako. Every time na pupunta po ako ng Viva talagang may bago pong nakasalang para sa akin,” sambit ng baguhang action star.

Ayon pa kay AJ, finally ay natagpuan na rin daw niya ang genre kung saan siya magi-excel.

“Sobrang mas naging thankful po ako dito sa project na ito kasi parang for me, nahanap ko na po yung genre na gusto ko talaga.

“Nagtiwala po ulit sila sa akin na, ‘eto na nga po, ako na yung nagli-lead, tapos binigyan pa ako ng magaling na direktor, magaling na cast para makasama sa movie. Thankful po talaga ako,” sabi pa niya.

Bigating director din ang ibinigay ng Viva Films kay AJ para sa Double Barrel. Kumusta namang katrabaho si Direk Toto Natividad?

“Nung una ko po siyang na-meet kasi tahimik lang po siya, sabi ko, parang masungit ata si Direk Toto, ah. Pero hindi naman pala.

“Nung nakatrabho ko na siya, kalmado lang pala siya. Pag nagbibigay siya ng instructions, klaro. Tapos never ko siyang nakitang umiinit ang ulo,” description niya kay Direk Toto.

Patuloy pa ni AJ, “Mas naging komportable po ako na gawin ang pelikula dahil na-enjoy ko po talaga yung action at dahil sa tiwalang ipinakita sa akin ni Direk Toto sa set.

“Tapos yung mga nakakita po ng mga shots ng pelikula namin, nai-impress po talaga sila kaya parang mas nagkaroon po ako ng fire na pagbutihin pa ang trabaho ko.”

May bahagi rin daw na nagpakita siya ng flesh sa pelikula especially sa love scene nila ni Phoebe Walker na leading lady niya.

“Sayang naman po yung winork-out ko. From sobrang taba ko na dati ay hiyang-hiya ako kahit magbihis sa harap ng tao, ngayon at least confident ako na maipakita na ang mga pinaghirapan ko,” natatawa niyang komento.

Samantala, umaasa si AJ na ngayong nahanap na niya ang genre na gusto niya ay mas makikilala na siya ng mga tao.

“Sana ngayong nahanap ko na po yung genre ko, sana makilala po ako as an action star talaga, kasi talagang na-enjoy ko yung trabaho ko dito, eh,” pagtatapos ng binata.