• Home
  • Fresh Scoops
  • FDCP chairperson Liza Dino speaks up about the 2017 MMFF issue.

Sa issue ng 2017 MMFF, Liza Dino naiipit sa gusot

FDCP chairperson Liza Dino speaks up about the 2017 MMFF issue.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/13/2017 10:45 AM
Sa issue ng 2017 MMFF, Liza Dino naiipit sa gusot

 

Labis na ikinalungkot ng FDCP Chairperson na si Liza Diño ang gusot na nangyayari ngayon sa Metro Manila Film Festival kung saan isa-isang nag-resign ang ilan sa mga miyembro ng executive committee para sa 2017 MMFF.

Sa panayam na ito kay Liza sa naganap na The EDDYS Awards, inihayag niya ang kanyang saloobin tungkol sa issue.


"Siyempre malungkot kasi, lahat naman tayo, gusto ng maayos ng walang kontrobersiya ang MMFF. Pero of course, hindi natin pwedeng hindi pakinggan yung mga reactions ng ibang tao."

Bilang FDCP Chairperson, ang pangunahing hangarin ni Liza ang maging maayos ang lahat ng gusot at ‘di pagkakaunawan ng bawat isa sa Executive Committee.

"That's why I'm staying at hindi pwedeng sumuko, hindi pwedeng tumigil. You can't stop the fight dahil lahat naman tayo, isa yung direksyon, iba-iba lang yung pinanggagalingan natin ngayon. Pero I believe that if we only get that commonality, maiintindihan ng lahat kung ano yung kailangan nating gawin sa industriya," paliwanag pa ng FDCP Chair.

Aminado din si Liza na naiipit siya sa gusot na ito bilang Film Development Chairperson.

"I'm very conflicted and feeling really, really sad about what's happening, MMFF is not our project, It's MMDA's project, but because I'm the FDCP, of course, people expect that it is our responsibility to really assist and really guide kung saan kami pupunta,” sabi pa ni Liza.

Positibo naman din ang naging pahayag ng Chairperson tungkol sa naging desisyon sa naunang pa pasok ng top 4 movies sa Magic 8 na kalahok sa MMFF.

"I have nothing against with the first four movies na lumabas and naniniwala ako na ang cinema ay napakalawak niyan and there are stories for everyone," pahayag pa ni Liza.