Paghahanap para sa 2017 Miss World Philippines umarangkada na

The search for Miss World Philippines is on.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/13/2017 10:28 AM
Paghahanap para sa 2017 Miss World Philippines umarangkada na
Photo credit : Bong Tan

 

Opisyal ng inanunsyo ng bagong pamunuan ng Miss World Philippines Organization at ng bagong pageant director nito na si Arnold Vegafria ang muling paghahanap ng Miss World Philippines para sa mga aspiring na kandidata.

Sa naganap na announcement ng Miss World Pageant, present ang ilan sa mga former queens na sina 2013 Miss World Megan Young at 2016 Miss World Finalist Catriona Gray na nagbahagi ng mga qualities na kanilang hinahanap para sa susunod na representative ng Pilipinas sa Miss World.


Para kay 2013 Miss World Megan Young ang totoo at busilak na kalooban ang number one na hinahanap ng Miss World Organization.

 

"Siyempre for me dapat when joining Miss World Philippines andyan na yung dapat na mabait ka na tao who loves to do charity and helping. [The] drive is already there and given na naman na talaga, but I think she should be somebody who really not see herself nga as a queen. Ayun nga it's just an image because this is a job and you really have to do your job," pahayag ni Megan.

Self-driven person naman ang qualities na hinahanap ni 2016 Miss World finalist Catriona Gray.

 

"The thing that I admire with Miss World Philippines is not just the drive to bag the title but also to fill the responsibilities comes from with it. Because looking at the Queens that we have from the past we also have women who are empowered to pursue the advocacy that they really believe in. So for me that gives substance," ani pa ni Catriona.

Samantala, mainit din ang imbitasyon ng talent manager at bagong pageant director na si Arnold Vegafria sa lahat ng nagnanais lumahok bilang kinatawan ng Miss World.

"We welcome all the camps. We know that there are two big pageant camps and several camps also. And we open this also to regional and even with Filipinos who are living outside the Philippines as long as you are a Filipino," pagtatapos na pahayag ni Arnold.

Bukod sa delegada ng Pilipinas sa Miss World Pageant, dalawa pa na bagong korona ang ibibigay ngayon sa natatanging kandidata na nakatakdang lumaban para sa Miss Eco Philippines na gaganapin sa Alexandria, Egypt sa darating na April 2018 at ang Reina Hispano Americana na ilalaban naman sa Bolivia ngayong November 2017.

Mapapanuod ngayong September 3, 2017 ang grand coronation night ng Miss World Philippines na gaganapin sa Mall of Asia Arena.