• Home
  • Fresh Scoops
  • Elisse Joson, emosyonal sa anniversary nila ni McCoy de Leon.

EXCLUSIVE: McLisse fans spend almost half a million for first anniversary party

Elisse Joson, emosyonal sa anniversary nila ni McCoy de Leon.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/13/2017 09:58 AM
EXCLUSIVE: McLisse fans spend almost half a million for first anniversary party

 

Ayon sa source ng PUSH, almost P500 thousand o kalahating milyong piso ang ginastos ng McLisse Worldwide PH sa 1st anniversary ng tambalang McLisse na tinawag nilang McLisse Royal Gathering na ginanap noong July 8, 2017.

Sa venue pa lang na pinagdausan ng event, Glass Garden (sa Pasig) ay posibleng daang libo na agad ang ginastos ng fans. Meron pa silang pa-lechon, bonggang buffet food, magarbong set-up, fireworks at kung anu-ano pa.


Ang ganda-ganda rin ng red ball gown na suot ni Elisse na tinernohan naman ng eleganteng black suit ni McCoy created especially for the occasion ng designer na si Piter Otordos ng Gumaca, Quezon.

Hindi lang namin naitanong kay Piter kung magkano ang worth ng gown at suit pero sa itsura at design nito ay siguradong mahamahalin.

Present siyempre sa unang anibersryo ng McLisse ang kanilang supporters from all over the Philippines. May mga galing pa ng abroad na lumipad papuntang Pilipinas para lang makisaya sa gathering.

Ganyan kasosyal at ka-fabulous ang fans nina McCoy at Elisse. Todo-suporta talaga sila sa kanilang idolo kesehodang sila ang gumastos para lang mapasaya ang magka-love team.

Ang maganda naman kay McCoy, may effort din siya na pasalamatan isa-isa ang mga taong involved sa McLisse Royal Gathering. Binigyan niya ng roses ang mga pasimuno sa event, tinawag sa harap ng stage at personal na pinasalamatan sabay halik.

After mag-beso ni McCoy sa kanila, lumapit din sila kay Elisse na very emotional at that moment para rin bumeso at yumakap.

Ayon pa kay McCoy, “Para sa inyo ang araw na ito. Naging instrumento lang kami para maging inspirasyon. Nagbihis lang kami at tumayo dito para magpakita sa inyo, pero kayo po ang gumawa nito.”

Kitang-kita naman ang kilig sa fans na nagtitilian tuwing magkahawak-kamay at magkalapit ang mukha nina McCoy at Elisse. Para sa kanila, perfect daw talaga ang tambalan ng dalawa at susuportahan nila ito hanggang sa huli.

Sa naturang McLisse anniversary din ay pormal na hiningi ni McCoy ang basbas ng parents ni Elisse para sa gagawin nitong pag-aalaga sa dalaga.

“Gusto ko pong hingin ang inyong tiwala at tumayong lalaki na mag-alaga sa anak nyo,” sambit ni McCoy na naging dahilan para magtilian lalo ang kanilang fans.

Hindi naman maiwasang maiyak ni Elisse nang makita sa audio visual presentation ang pinagdaanan nila ni McCoy mula sa PBB hanggang ngayong isa na silang sikat na love team ng bansa.

“Habang pinapanood ko po yung VTR, ngayon lang nag-sink-in sa akin na ang dami na po pala naming pinagdaanan. So parang bumalik sa akin yung pinakasimula and parang na-overwhelmed po ako sa mga nakita ko sa video,” emosyonal at naiiyak niyang pahayag.